JINNY
Gaya parin kahapon, ganun yung oras na dapat ay nasa YG na ako. Ginising ko si Jongyeon after ko magprepare ng breakfast namin. Pagkatapos naming kumain papauwiin ko narin sya. Di naman pwedeng dito sya habang wala ako.
"Hoy lalake gising na." Kinakalabit ko sya sa braso nya. Tulog mantika kase 'to. Mahirap gisingin. "Kapag di ka gumising tatakpan ko ilong mo." Napagdiskitahan ko na naman 'tong ilong nya, ang laki kase hahahahaha. Pero matangos naman kaya nga lang malaki nga! Pinisil ko yun para di sya makahinga kaya nagising sya dahil dun.
"Baho ng kamay mo."
"Gago. Bumangon ka na! Baka ma-late ako sa training ko!"
Nagpunta na ko sa kitchen, susunod narin yun. Hindi muna ako kumain hangga't hindi ko pa sya kasama dito.
"JONGYEON PARANG AWA BUMANGON KA NA!"
Laking pasasalamat ko nung naglalakad na sya papunta dito sa table. Mukha parin syang inaantok. Anong oras ba natulog 'to? Siguro hindi makatulog kakaisip sakin.
"Kumain ka na.." I said then nagsimula narin akong kumain. Bahala na sya kung mabagal sya or not basta ako talaga yung kailangang magmadali.
"Hatid kita sa YG ngayon Jinny."
"Adik wag na, hassle pa sayo magtataxi nalang ako."
"Hindi, kaya yan. Mas hassle kapag nataxi ka, eh sa motor madali lang." Nag-puppy face sya. Di ko maiwasang hindi matawa dahil sa mukha syang tanga pero ang pogi nya infairness naman.
Pumayag ako sa pag-iinsist nyang ihatid ako. Nagkasundo kaming uuwi na muna sya para maligo rin habang ako naghahanda dito.
Nung natapos na ko sa lahat. Packing my things and preparing myself, tinawagan ko na si Jongyeon. Sa lobby nalang din ako naghintay sa kanya. Napabuntong hininga ako ng marealize ko na makakasama ko na naman si Junhoe.
"Jinny! Tara na."
Naglakad ako palabas ng building, sinukbit ko sa likod ko yung bag pack ko saka sumakay sa motor. Pinaharurot nya yung motor hanggang sa makarating kami sa YG building.
"Thank you sa paghatid Jongyeon. Ingat ka ah?"
"Walang anuman para sayo. Oo naman! Papakasalan pa kita eh." Sagot nya sabay kindat sakin. Loko talaga.
"Oh sya sige na baka may makakita pa sayo dito. Uwi na, shoo!"
Mukhang tangang nakangiti si Jongyeon sakin. Nagpapacute na naman, pero I admit effective yung pagpapacute nya. Pero sa kalagitnaan ng pakikipagtitigan ko kay Jongyeon, may isang paparating na naaaninag ko sa bandang likod nya. Nawala at naputol yung pag-ngiti ko dahil dun.
"Tabi nga, ang aga aga naglalandian."
Aba put—shnfnrjekskaksn!!! Nagulat kaming dalawa ni Jongyeon nang dumaan sa maliit na space gap na meron samin ni Jongyeon si Junhoe! Oo si Junhoe nga. Anong problema nun?! Ang laki ng daanan tapos sa gitna mismo namin dadaan? Kung di ba naman bastos. At anong sabi nya? Naglalandian kami? Ano naman sa kanya? Napairap ako sa kawalan.
"Oh nakasimangot ka na naman. Hayaan mo na yun. Sige na pasok ka na Jinny babes. Bbye. I love you! Hahahaha."
Nagwave si Jongyeon bago sya tuluyang umalis at ako naman ay dumiretso na sa loob ng YG building. Pagkarating ko sa practice room, si Junhoe lang mag-isa.
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일