050

166 3 0
                                    

JUNHOE

"Junhoe ano ba yan, tama na inom. Hindi makakabuti sayo yan eh. Tsaka isa pa, papahirapan mo na naman kaming iuwi ka!" Parang gusto ko nalang magpakalunod sa alak. Nawawala-wala ako sa hwisyo kaya hindi ko masyadong naaalala yung babaeng dahilan kung bakit ako nandito. Hindi ko naaalala kung bakit nagpapakalasing ako.

"Hayaan mo na ko dito hyung! Ge na umuwi ka na." Kung tingin nya pabigat ako sa kanya edi umuwi sya?! Hindi ko naman hiniling samahan nila ko hanggang paguwi.

"Tsk. Junhoe tama na yan. Nagsasayang ka lang ng pera mo, bukas na bukas paniguradong isusuka mo rin lahat nyang ininom mo." Bakit ba ang daming pakialamero sa mundo?! Wala silang paki kung ganyan mangyari sakin bukas. Hindi naman sila ang susuka para sakin.

Tangina kahit pala anong inom ko, yung hwisyo ko lang mawawala pero yung sakit ng puso hindi. Hinding-hindi. Puta sino bang matutuwa kung yung girlfriend mo nabuntis ng iba?! Sa pagkakaalam ko nung last time na ginawa namin yun, sinigurado kong sa loob nya yun nailabas. Pero puta bakit si Jongyeon yung naging ama?

Dahil ba akala nyang may nangyare samin ni Sunbin kaya ginawa nya rin sa ibang lalake?! Ang masakit, nagbunga pa yung sa kanila!

"Kawawa naman si Junhoe hyung. Pagtulungan na natin iuwi kesa pinagtitinginan tayo dito." Sinong kawawa?! Ako? Hindi kaya! Gwapo ko nga eh.

Maya-maya nawala sa pagkakahawak ko yung pang-anim na boteng soju ko. Langya hindi pa ko tapos eh!

Jinny ko.. Jinny baby..

Papikit-pikit na mga mata ko. Pero kaya ko pa 'to! Para kay Jinhee ko. Baby, alam mong mahal na mahal kita. Kahit nabuntis ka ng iba handa akong tumayong tatay nyang dinadala mo kahit masakit para sakin..

Nagising ako sa matinding sakit ng ulo ko. Ulo sa taas ah. Wala naman kase si Jinny para sumakit yung ulo ko sa baba. Shit. Anong nangyare kagabi? Paano ako nakauwi dito? Ng maayos? Sa pagkakaalam ko nasa club kaming magkakaibigan ah?

"Oh gising ka na pala. Bumangon ka na bago pa dumating si mama. Nagluto ako ng hang over soup." Sumunod naman ako sa kanya. Ramdam ko parin yung pagpintig sa ulo ko. Anong klaseng sakit ng ulo 'to?!

"Buti nalang kasama mo sila Jinhwan kaya naiuwi ka nila dito. Pasalamat ka narin dahil wala si mama kagabi. Dahil kundi kay Jinny na naman mapupunta ang sisi." Walang kasalanan si Jinny sa lahat! "Bakit ka ba naglasing ha? What happened?" Marahan akong humigop ng sabaw bago ko sya sagutin.

"Buntis si Jinny. Hindi ako ang ama." Hindi ko alam kung nagulat ba sya o ano, masakit paring alalahanin na hindi nagbunga ang pagmamahalan namin.

"Ayun naman pala, e anong problena mo? Bat nagpapakalasing ka kagabi?" Yung totoo? Hindi nya ba naintindihan yung sinabi ko? Napailing nalang ako sa kanya.

"Huy Junhoe? Wala ka naman palang problema, nakikisawsaw ka sa problema nyang si Jinny."

"Wag mo nang alamin. Di nyo naman ako naiintindihan eh." Nagmadali akong tapusin yung pagkain ko. Hindi pwedeng wala akong magagawa ngayong araw. Kailangan kong puntahan ulit si Jinny.

"Pupunta si mama dito mamaya. Kung aalis ka, kailangan before 7 nandito ka na." Tangina, matanda na ko. Kung kelan naman nasa legal age na ko saka pa naghigpit sya. Nakakagago talaga.

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon