JINNY
"Himala di yata kayo magkasama ni Chanwoo?" Pinapunta ako ni Shannon sa condo nila. Sya lang pala mag-isa kaya naghahanap ng kasama.
"Eh gusto daw nila gumimik magkakaibigan. Ano pa bang magagawa ko kundi payagan sya. Baka masakal si Chanwoo kung hindi ko sya papayagan. Isa pa, sila Jinhwan oppa naman ang kasama so for sure babantayan nun si Chanwoo." Improving na ngayon si Shannon. Kung dati na ayaw nyang nalalayo ang isa sa kanila, ngayon aba pinayagan nya pa si Chanwoo na gumimik. Isang himala!
"Improving ka na bes." Biro ko sa kanya. Kagaya nya, wala din si Junhoe. Malamang kaibigan din sya ni Chanwoo kaya malamang kasama sya sa gimik kung saan nandun si Chanwoo.
"Yes of course. You know needed yan kapag sa married life. As early as I can, gumagawa na ko ng practices ko be a mature partner. Dahil alam kong dadating na kami ni Chanwoo sa stage na yun." Actually mature naman nang mag-isip si Shannon noon pa man.
"Wow. Talagang ready na kayo ni Chanwoo sa married life no? Goodluck sa inyo bes ha. Sana maging one big happy family kayo." Kami kaya ni Junhoe.. Siguro. Pakiramdam ko kami na yung nakatakda eh.
"Ready na talaga. Ilang years narin naman kami ni Chanwoo. Kilala na namin sa isa't isa so very sure na kami na magpakasal. Ikaw bes, kamusta naman kayo ni Junhoe? Wala ba kayong plano na sumunod samin para magpakasal?" Hindi ko din alam. Pero masaya ako na kasama ko si Junhoe sa journey na tinahak namin. Yung pagiging dance duo.
"Wala pa. Tsaka ano ka ba, kakadebut lang namin as dance unit. Baka magimbal ang buong Korea kung malaman na magpapakasal na kami ni Junhoe."
"Oo nga pala. Pero matagal narin kayo eh diba? For sure naisip nyo narin yan before. Sigurado akong magpapakasal din kayo in the near future." Napangiti naman ako sa sinabi ni Shannon. Bigla lang nagpop sa isip ko yung image naming dalawa ni Junhoe na kinakasal. Kinikilig na naman ako!
"Sana nga bes. I really hope so."
"Tara sa playroom namin ni Chanwoo?" Nagulat ako sa biglang pag-aya sakin ni Shannon.
Playroom. Saan ko nga ulit narinig yun? Sa 50 Shades of Grey! Myghad. Hindi ko ineexpect na sa murang edad at inosenteng mukha ng dalawang kaibigan ko eh nakuha na nilang magkaroon ng playroom.
Tinignan ko si Shannon. A judging look. "P-playroom?" Ulit ko. Baka kase nabibingi lang ako. Baka mali lang rinig ko. Or baka madumi lang ako mag-isip.
"Oo playroom. Doon agad kami dumidiretso ni Chanwoo kapag galing sa trabaho o kaya stress kami. Nakakawala kaya ng stress yung playroom." Teka lang.. Napabayaan ko na ba itong bestfriend ko kaya hindi ko alam na gumagawa sila ni Chanwoo ng bagay na naiisip ko ngayon?
"B-bes.." Bakas sa mukha nya ang pagkalito. Bakit sya nalilito eh ako ang dapat magtaka! Oo alam kong legal age na silang parehas pero bakit nila naisipang magkaroon ng playroom sa condo nila. "Shannon saan kami nagkulang?!" Inalog-alog ko sya.
"H-ha? Anong sinasabi mo Jinny? Nakadrugs ka ba? Anong saan kayo nagkulang?" Litong-lito parin sya. Natatakot akong sabihin sa kanya ng buo kung ano yung nasa isip ko.
"Bes sa pagkakaalam ko di naman tayo nangarap na magkaroon ng playroom noon."
"Tangeks. Pangarap talaga namin ni Chanwoo magkaroon ng playroom. Ano ka ba." Natatawa nya pang sagot. Tuluyan na yatang nabahiran ng berdeng pag-iisip si Shannon. "Tara na nga kase. Masaya dun! For sure mag eenjoy ka."
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일