JINNY
Every week ang naging schedule ko para gawin yung isang project. Hindi biro yung one week na yun kahit may rest days ako. Hectic parin pero ayos lang dahil mahaba yung pahinga. Nagawa ko na yung MV with Seungri oppa, grabe ang kwela nya palang kasama na halos lahat ng staffs natatawa kapag nagjojoke sya. Like what he said when he first saw me, ako nga yung naging leading lady nya. Infairness, nagamit ang acting skills ko sa music video nya! Yung story kasi ng song nya is ayaw na sa kanya ng girlfriend nya pero mahal nya parin kaya hinahabol-habol nya kahit saan yun pumunta. Magaling din sya mag-acting infairness naman. Kinakabahan nga ako makita yung result ng music video, iuupload daw yun next week! Yung sa peaceminusone naman parang kagaya lang din sa NONA6ON kaya medyo madali kong nagawa. Then last is yung Moonshot! Ayun talaga gustong-gusto ko! Yung mga ginamit sakin na make ups syempre from Moonshot. Ang ganda ng quality ng make ups nila from CC cream to everything! I like it! Lipstick lang muna yung pinamodel sakin then if ever daw na nakahatak yung ads na ginawa ko, may possibility na malevel up ako. Pero binigyan na agad nila ko ng make up aside from the payment.
And today, may isa pa akong schedule na natitira. Ayun yung shooting ng music video ni Yunhyeong. Hindi ko alam pero kabado ako, parehas lang naman na music video 'to kagaya nung kay Seungri oppa pero super kabado ako ngayon. Nasa basement na ko ng condo, dito ko na hihintayin si Seiyeon eonni. Sa loob ng ilang weeks kong ginagawa yung trabaho ko parang naging ate narin ang turing ko sa kanya, never syang nawala during those times. She makes sure na okay lang ako or what. Ganito pala feeling ng may kapatid. Ang saya rin pala.
"Jinny! Hop in."
Pumasok ako sa kotse nya pagkatawag nya sakin. Humarurot agad palabas ang sasakyan nya pero di naman ganun kabilis.
"Ready ka na Jinny?"
Tinignan ko sya at tumawa ng konti. Napabuga din ako ng hangin. Hindi ko matago itong tense ko.
"Ready na eonni pero kabado."
"Kaya mo yan girl. I'm sure magagawa mo rin ng maayos yan."
"Thanks eonni. Sana nga."
Pakiramdam ko nakaidlip ako sa haba ng byahe. I opened my eyes and saw us still on the road.
"Jinny, I forgot to tell you hindi kase sa Seoul mismo isshoot yung mv nya kaya 'til now nandito parin tayo sa daan but dont worry, malapit narin naman tayo."
Nginitian ko lang sya at binaling yung paningin ko sa gilid ko. Napabalikwas ako nang makita ko kung sino yung nasa sasakyan sa tabi ng sasakyan ni Seiyeon eonni. Si Junhoe! Nakabukas yung bintana sa driver's seat kung saan sya nakaupo. San kaya ang punta nito?
"Uhm..eonni diba tinted yung window mo?"
"Yup. Why?"
Hindi nakatingin sa gawi ko si eonni, mabuti nalang! Kundi makikita nya 'tong nakikita ko ngayon. Tumingin ulit ako sa kanya. Aba! Ginawa pang salamin 'tong window kaya nakikita ko kung anong pagpipiling pogi na naman ang ginagawa nya. Hindi ba sya aware na kahit tinted 'to eh nakikita sya nung nasa loob? Pano nalang kung ibang tao ako? Edi siguro maghihisterical yun dahil nananalamin si Junhoe sa bintana ng sasakyan nila.
Nagulat ako ng bigla syang pumormang babarilin yung bintana pero syempre gamit lang yung kamay nya. Buti nalang hindi nahalata ni eonni. Nagsmirk pa si Junhoe pagtapos nya mambaril kuno saka sinarado yung bintana nya. Aba gago?
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일