039

193 2 1
                                    

JINNY

"Gising ka na pala Jinny. Nasa kitchen yung breakfast mo, hinanda ko na." Si Seiyeon eonni ang sumalubong sakin na nakaupo sa couch. Namiss ko sya kahit kahapon kasama ko naman sya. Nagsmile lang ako sa kanya, nahihiya akong magsalita baka kase mabugahan ko sya ng bad breath so I'd rather not to talk.

Dumiretso ako sa kitchen dahil sabi nya nandito na raw yung breakfast ko. Pero hindi ako nainform na nagngangalang Koo Junhoe pala yung breakfast na hinanda nya sakin.

"Kumain ka na. Pupunta pa tayo sa YG. Kakatapos ko lang kumain, di na kita nahintay eh." Hinila ni Junhoe yung upuan sa tabi nya. Dahan-dahan pa kong lumapit sa table tas umupo sa tabi nya.

Bakit parang sobrang gwapo nya ngayong araw? Naka-white shirt and black pants lang sya pero iba yung dating sakin. Gosh. Ganito talaga epekto ng inlove eh. Kinalma ko muna sarili ko bago ako nagsimulang kumain. Kahit anong pilit kong ibaling lang yung atensyon ko sa pagkain ko hindi ko magawa lalo na't ganito kadikit si Junhoe sakin. Ramdam ko sa sandalan ng upuan ko na nandun yung braso nya nakapatong lang pero parang nakaakbay sya para sakin.

"Nakatulog ka ba ng maayos? Mukhang napuyat ka ah. Anong ginawa mo? Ahh alam ko na, inisip mo ko. Sa susunod wag mo ko masyadong iisipin para di ka napupuyat ng ganyan baby." Sabi nya habang hinahaplos ako sa ulo, nilagay nya pa sa likod ng tenga ko yung buhok kong nakaharang sa pisngi ko.

Mas lalo akong nagulat nung hinalikan nya ko sa may sentido. Ayaw nya ba kong pakainin ng maayos? Binabaliw na naman ako ni Koo Junhoe!

"Oy lovebirds mamaya na yan. Ikaw Junhoe halika nga sa sala. Hayaan mo na munang kumain si Jinny. Kailangan pa nyang mag-ayos para makapunta na tayo sa YG." Parehas kaming tumingin kay Seiyeon eonni na nakacrossed arms habang nakatingin samin. Nahiya naman ako ng konti kaya medyo lumayo ako ng bahagya kay Junhoe. Ang landi kase! Umagang-umaga ba naman.

Tumayo si Junhoe at nagpunta sa sala gaya ng utos ni Seiyeon eonni. Naiwan ako sa kitchen kaya nagmadali ako sa pagkain at habang hindi umeepal si Junhoe dumiretso narin ako sa bathroom para makaligo na't makaalis na kami. Mukha kasing may importanteng sasabihin kaya siguro kailangan naming pumunta sa YG.

"Ayos ka na Jinny? Mauna na ko sa baba para ihanda ko na yung sasakyan ko. Sumunod agad kayo ha." Pagkalabas ni Seiyeon eonni nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko.

"Junhoe."

"Baby." Pagtatama nya.

"Baby.. T-tara na dun sa baba. Baka pagalitan tayo ni Seiyeon eonni." Nakayakap lang sya sakin na para bang walang pakialam sa sinabi ko.

"Hindi mo ko pinatulog kagabi. Pero ayos lang, ikaw naman yung dahilan." Pinaharap nya na ako sa kanya then he cupped my cheek and press his lips on mine. Napapikit ako dahil dun. Agad naman syang bumitaw, akala ko matagal medyo bitin— "Mamaya na yung part two pag-uwi." He chuckled pagkatapos nyang pitikin yung ilong ko.

"Heh. Part two ka dyan." Nagmadali kaming lumabas at bumaba ng building. Nasa tapat na nga ng entrance yung kotse ni Seiyeon eonni.

"Nilock mo ba yung unit mo ng mabuti Jinny?"

"Yes eonni."

Napatingin ako kay Junhoe nung hawakan nya yung left hand ko, kung san nandun nakasuot yung singsing na bigay nya. He intertwined our fingers at pinatong nya yun sa lap nya. As of now, ayoko munang maging sobrang clingy namin sa isa't isa sa harap ng ibang tao. Kung kaming dalawa lang, ayos lang sakin.

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon