010

255 6 0
                                    

[A/N: Happy birthday Junjun! For sure magcecelebrate sila ni Jinneng today. Hahaha delulung malala featuring eatgirl98]

JINNY

Kung kahapon dinaanan ko lang si Nancy pagdating ko dito sa dorm, ngayon hindi lang si Nancy ang nadatnan ko sa living room. Kundi lahat ng dorm-mates namin. Bakit sila nandito? May meeting ba? Baka may gumawa ng kalokohan or nagpapasok ng boyfriend kaya pinapunta silang lahat dito sa living room. Usually kase hindi mahilig sa pagtambay sa living room ang mga 'to. Mostly si Nancy ang laging nandito.

"JINNY~~~"

Huh? Lahat sila nakangiti sakin pagpasok ko palang ng dorm. Si Nancy nakaupo sa couch nung nadatnan ko pero tumayo sya para yakapin ako.

"Jinny~ Congrats! Model ka na pala sa YGK+?"

Sabi nya sakin pagkayakap nya pero bumulong sya ng para bang nagtatampo sya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol dun.

"Congrats sayo Jinny!" Si Zee.

"Ang fab mo dun sa photo shoot mo!" Si Dara.

"Ang cool Jinny, ilapit mo naman din kami sa talent scout na lumapit sayo!" Si Ria.

"Fans mo na kami Jinny!" Si Pat.

Hindi ako magkanda ugaga sa mga dorm-mates namin. Kilala ko yung iba sa kanila! Hindi ko nga lang masyado nakakausap. Tuwang-tuwa sila sa nalaman nilang balita, hindi na ako magugulat na nalaman nila yun dahil maski sa school halos lahat sila alam na model na ako ng YGK+. Nagpaalam ako sa dorm-mates ko, gusto ko na munang magpahinga, pero sinundan ako ni Nancy! Alam ko na kahihinatnan ko sa kwarto nito.

"Hindi mo sinabi sakin na under YG ka na pala Jinny." Nakapout nyang sabi.

Umupo ako sa edge ng kama ko pagkatapos isabit yung bag ko sa likod ng pinto. Tinignan ko sya.

"Ayoko kasing sabihin sa lahat, baka kase masabihan ako na pasikat kapag ganun Nancy."

"Pero hindi naman kita sasabihan ng ganun eh. Kanina nung pinuntahan nila ako sa kwarto, hindi ko alam ang isasagot kung legit daw ba na model ka na ng YG. Hindi ko sila masagot kase hindi ako sure dahil wala ka namang sinabi sakin."

Bakas sa boses nya na disappointed sya sa hindi ko pagsasabi sa kanya. Hindi ko naman sya masisisi. Feeling nya siguro hindi ko sya pinagkakatiwalaan. But its not like that.

"Sorry Nancy.. Ayoko lang talaga magmalaki ng ganun. But not because I didn't told you about this means hindi kita kaibigan. Isa ka sa mga close friends ko, nahihiya lang talaga ako magkwento sayo tungkol sa sarili ko."

Lumapit si Nancy saka umupo sa tabi ko.

"I know, I know..but you can trust on me. Para narin kitang ate, Jinny."

"Yes and I thank you for that at nagkaron ako ng little sister."

Niyakap ko sya.

"I wont push you from telling what's in your mind Jinny but pwede kang magshare sakin ng kahit ano na gusto mong sabihin."

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon