JINNY
Same location din yung scene na gagawin namin ngayon but nagpalit kami ng damit syempre. Nakadress na ko ngayon na sa mid-thigh ko yung haba. Nakalugay din yung buhok ko ngayon pero nakacurl sya. Eto na yung scene na maglalakad lang ako tas ibabackhug ako ni Yunhyeong.
Nakatayo na ko sa dulo nung bridge, hinihintay ko nalang yung signal ng director kung sisimulan ko na maglakad. Mabagal lang daw dapat yung lakad ko then si Yunhyeong tatakbo kapag nasa gitna na ako ng bridge.
"In 3,2,1 action!"
Nung kailan lang may mga kasabay pa kong maglakad dito sa bridge na 'to pero ngayon, nasan na kaya sila? Tinignan ko yung dulo kung saan hahantong 'tong paglalakad ko, nakita kong walang Yunhyeong na naghihintay sakin o kahit man lang lalapit para mapangiti ulit ako.
Nagsawa narin kaya sya sakin?
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napahinto ako sa gitna ng tulay na 'to. May naramdaman akong yakap na galing sa likod ko. Alam ko kung sino sya. I know he's the guy I've been waiting for. Nakangiti akong nakahawak sa bisig nya habang nakayakap parin sya sakin.
"I missed you."
"And cut!!! That was good. Change outfit na ulit. Good job Jinny and Yunhyeong."
Nagpalakpakan silang lahat. Ako naman halos mapunit na yung lips ko kakasmile sa kanila. Tinanggal narin ni Yunhyeong yung backhug nya sakin pero naiwang nakaakbay yung isang braso nya.
"Galing mo na Jinny ah?"
"Naglakad lang naman ako eh. Hahaha ano magaling dun?"
"Pero kahit na, hindi tayo umuulit ng take eh. Kaya magaling ka."
"Pero mas magaling ka."
At nag-galingan na kaming dalawa. Pero joke lang. Bumalik na ulit kami sa tent kung saan kami inaayusan. Ngiting-ngiti sakin si Seiyeon eonni habang pinapanood akong ayusan.
"Galing talaga ng alaga ko. Usually nakakailang take pa bago maperfect yung isang scene pero ikaw unang salang palang tas nagawa mo agad ng maayos."
"Hehe tinulungan ako ni Yunhyeong, eonni eh. Ginawa ko lang naman yung sinabi nya."
"Tinuruan nga ba oh nadadala ka ng damdamin?"
"Tinuruan lang po talaga."
Ang showbiz nung tanong nya sakin. Actually nahihiya ako, baka kase hindi nila magustuhan kung sasabihin sasakay ako sa mga jokes ni Seiyeon eonni. Yun bang tototohanin nila tas ikakalat. Syempre iba-iba na yung pagsasalin ng kwento ngayon. Baka mamaya sumama yung image ko kapag nangyari yun.
"Okay. Last scene na later, galingan mo ulit! Alam kong mas lalo kang matetense sa scene na gagawin pero kaya mo yan Jinny."
"Thank you eonni."
Hindi na ko nagpalit ng damit at hair style. Bale inayos lang yung make up ko kung may nasira. Continuation kase 'to nung scene kanina.
"Jinny!" Tawag sakin ni Yunhyeong. Lumapit ako sa kanya na may kasamang pag-ngiti. "Dun daw sa soccer field yung scene, tara na?"
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일