JUNHOE
Dalawang buwan nang hindi nagpapakita sakin si Jinny. Pati career nya naapektuhan dahil sa nangyari. Hindi na sya lumabas sa tv magmula nung nakipagbreak sya sakin. Wala akong contact sa kanya dahil halos lahat ng kaibigan nya na kaibigan ko rin walang nagtatangkang sabihin kung nasaan sya. Maski si sajangnim kapag tinatanong ko tungkol kay Jinny ang sinasabi nya lang hayaan ko nalang daw muna magpahinga.
Sa tingin ba nila ayos lang sakin na hayaan syang magpahinga? Ng hindi ko sya nakakausap? Hindi pwede sakin yun. Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung ano talaga yung totoong nangyari. Kailangang malaman nya na wala akong intensyon na saktan sya o anuman.
Nalaman ko narin na wala talagang nangyari samin ni Sunbin. Nung araw na nakita ko rin naman syang kasama ako, sigurado akong walang nangyare samin. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may iba akong ginalaw na babae maliban kay Jinny. At kahit ba na lasing ako, hindi ko tatangkaing gumalaw ng kahit sino maliban nalang ulit kung si Jinny yun. Tinanong ko si Sunbin kung bakit nya nagawa yun, ang sagot nya lang ay dahil daw mahal nya ko. Tanginang pagmamahal yan! Hindi ko kailangan ng pagmamahal nya, hindi naman sya si Jinny.
"Huy? Kanina ka pa kinakausap ni Bobby hindi mo pinapansin. Umalis na tuloy." Napatingin ako kay Bobby hyung na naglalakad palayo sa kung saan kami nakatambay.
"Bakit? M-may sinasabi ba sya?"
"Oo alam nya raw kung saan nakatuloy si Jinny ngayon." Nagulat ako sa sinabi ni Jinhwan hyung. Wala akong pinalampas na oras at hinabol ko kaagad si Bobby hyung.
"H-hyung.." Tawag ko. Lumingon naman agad sya sakin at hinintay akong maabutan sya.
"Bakit?"
"Alam mo daw kung nasan nakatira ngayon si Jinny?" Pati kase sa unit nya hindi na sya umuwi. Alam ko na kung bakit, talagang nilalayuan nya ako.
"Oo pero may isang kondisyon para ituro ko sayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Kondisyon? Anong kondisyon naman?"
"Wag mo sasabihing ako nagturo sayo dahil malilintikan ako kapag nalaman. Kahit anong mangyare wag kang aamin kay Jinny pag nagtanong sya." Ayun lang pala! Yakang-yaka ko yun.
"Sige hyung." Pagkasabi ko nun may inabot sya saking papel. Address? Ito na siguro yung address ng tinutuluyan nya ngayon!
Wala akong sinayang na oras, bumalik ako kung nasan yung ibang tropa ko at nagpatulong kung paano pupuntahan yung lugar na yun. At base sa research namin malapit lang din pala yun sa condo na tinutuluyan ko.
Akong mag-isa ang bumyahe papunta dun. Kahit na alam kong delikado sakin na lumalabas dahil mainit sa netizens ang pangalan ko. Wala akong pakialam basta malaman lang ni Jinny yung totoo. Mabuti nalang hindi ako mahina sa daan, natunton ko yung bahay na may address na nakasulat sa papel na bigay ni Bobby hyung. Ito na nga yun!
Akala ko condo sya nung una pero hindi pala. Tipikal na Korean house pero malawak ang space, may gate pa nga eh. Nagdoor bell ako at laking gulat ko kung sino yung lumabas. Si Jinny na may katabaan. Hindi lang sya nagpakita sakin ng dalawang buwan, tumaba na sya ng ganyan? Pero di bale, para sakin sya parin ang pinakasexy sa lahat.
"Jinny! Jinny teka! Hayaan mo akong magpaliwanag." Nagwawala yung puso ko ngayon. Sobra ko syang namiss. Gusto ko sya yakapin pero hindi naman ako makapasok.
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일