023

263 5 3
                                    

JINNY

Nung marelease yung music video ni Yunhyeong akala ko gegerahin ako ng mga fans. Akala ko aawayin nila ko sa sns account kaya nagdeact kaagad ako that time. Never did I knew na nagustuhan na daw pala nila ako simula nung kinantahan nya ko sa mall show nya nung kasama ko pa si Nancy.

3 months na ang nakalipas. And guess what, nagkaroon kami ng love team ni Yunhyeong dahil sa music video. Yunny pa nga pangalan ng loveteam namin. Buti nga'y nakayanan ko lahat ng schedules sa loob ng 3 months. Yes, wala naman kaming movie or palabas pero kabilaan yung endorsement kung saan kami yung models. Nagkaroon kami ng mall tours and fansigning event ng magkasama. Hindi ko ginamit si Yunhyeong but I can say na simula nung naging leading lady nya ko sa It Girl doon nag-boom ang career ko. Minahal ako ng mga tao. They love me as Jinny Park. Minsan may mga tao ring nainis pero mas madami yung nagmamahal sakin hanggang ngayon. Kaya sobrang thankful ako kay Yunhyeong.

Kasama ko ngayon sa unit ko si Chanwoo, Shannon, Nancy and Rowoon. Sila yung mga number 1 kong supporters. Si Nancy ang madalas kong kasama everytime na may mall show kami ni Yunhyeong nun. Buong akala ko magagalit sya sakin dahil alam naman nating super fan at mahal na mahal nya si Yunhyeong. But no, narealized nya na talagang hindi sya for Yunhyeong but she's for Rowoon. Yes, naunahan nya pa kong magkaroon ng boyfriend!

"Oy ang daya nyong dalawa! Kami naman ni Shannon maglalaro. Yah giant hyung!" Bulalas ni Chanwoo, medyo nakasimangot sya pero ang cute parin parang bata.

"Oo nga! Nancy, kami namaaaaaan." Dagdag pa ni Shannon. Para silang bata ni Chanwoo kung tutuusin. Bagay nga talaga sila.

"Oh eto na nga malapit na kaming matapos!"

Naglalaro kasi kami ng Just Dance. Ayaw bitawan ng dalawang 'to yung controller, tuwang tuwa sumayaw. Addict na addict silang dalawa sa game na yan kahit na nakakapagod ng sobra.

"Hay sa wakas natapos din sila!" Tumayo si Chanwoo at hinablot yung controller kila Rowoon at inabot yung isa kay Shannon.

"Yas. Bubba yung Switch gusto kong laruin! Dali~ mas masaya yun."

"Wait lang Bubba, i-set ko lang saglit."

Masaya na kong makitang masasaya itong mga kaibigan ko. Kahit na ako lang ang single sa kanila, ayos lang. Hindi ko na muna iniisip magkaroon ng boyfriend. Nakakatuwa kaya silang panoorin lalo na kapag naging sweet sa isa't isa.

* tok tok *

"May expected visitor ka ba Jinny? May kumakatok, pagbuksan ko ha-"

"Di sige Rowoon, ako na."

Nginitian ko sya bago ako tumayo papunta sa may pintuan. Sinilip ko sya galing dun sa mini screen that serves as cctv sa taong nasa labas na gustong pumasok sa unit ko. Its Jongyeon! Ano na namang trip ng lalaking 'to napadpad na naman dito?

"Hello Jinny, mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah? Pwede bang sumali?"

"Bawal panget dito."

"Eh bat nandyan ka?"

"Aba!"

Akmang sasaraduhan ko sya ng pinto pero pinigilan nya. Ang gago! Nakakainis. Panget daw ako eh patay na patay nga sya sakin? -_-

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon