054

171 2 1
                                    

JUNHOE

Wala parin akong balita kay Jinny hanggang ngayon. Mukhang nasaktan talaga sya sa nangyari samin. Wala na yata syang balak na makipagkita sakin. Nakakatanga na mag-isip kung kamusta na ba sya? Kung nakakakain at nakakatulog ba sya ng maayos? Kung namimiss nya na ba ako? Dahil ako, miss na miss ko na sya.

"Anak, bakit hindi ko kayo nakikita ni Sunbin na lumalabas? Are you two okay?" Kumunot ang noo ko pagkarinig ko nun sa kanya.

"Sino ba sya para ilabas ko. Tsaka pwede ba ma? Hindi ko girlfriend si Sunbin." Inis kong sagot. Leche naman kasi, hindi nakakatuwa!

"Anong sinabi ko sayo? Diba dapat maging kayo para mas lalong pumatok ang love team nyo? Paano nalang yung mga fans na nag-aabang sa inyo." Hindi yata sya aware na si Jinny ulit ang girlfriend ko. Syempre paanong hindi sya magiging aware kung hindi nya naman tanggap si Jinny in the first place?

"Pwede ba! Tama na. Ayoko nang magsunud-sunuran sayo. Ilang taon kong sinunod lahat ng sinasabi nyo sakin e pero hindi ko makuhang sumaya. Pagod na pagod na ko!" Kahit napapasigaw na ko, kita ko parin yung walang reaksyon nyang itsura. Lagi naman sya ganyan, walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Buti nalang hindi ako nagmana sa kanya.

"Aba sumasagot ka na sakin ngayon ha?! Wala kang utang na loob! Kung hindi dahil sakin wala ka sa lugar mo ngayon Junhoe. Napakawalanghiya mong bata ka!"

"MA—" Lumagapak sakin ang isang sampal galing sa kanya bago pa dumating si ate. Puta may pasa pa ako sa mukha! Ang sakit pero iindahin ko 'to para ipaglaban ang karapatan ko. "Ma ano ba naman kayo. Bakit nyo sinampal si Junhoe?"

"Walang modo yang kapatid mo na yan! Kasalanan nyang impokritang Jinny na yan kaya sya nagkakaganyan. Ilang beses ko na sinabi sa kanyang layuan nya ang babaeng yun, pero anong ginagawa ng kapatid mo? Sinusuway ako! Walang utang na loob." Magulang ko ba itong kaharap ko kung ituturing? Hindi ko madama na nanay ko sya dahil sa ginagawa nya sakin.

"Ma baka nakakalimutan nyo po, si Junhoe ang sumalba sa atin nung mga panahong naghihirap tayo. Ginawa nya ang lahat para lang maibalik yung nalulugi nating kompanya. Oo nagbulag-bulagan at sunud-sunuran din po ako sa inyo noon dahil akala ko makakabuti kay Junhoe lahat ng inuutos nyo. Pero unti unti kong nakikita na hindi na masaya ang kapatid ko." Natigilan sya sa sinabi ng ate ko. Narerealize nya na ba kung anong kalokohan ang ginawa nya sakin noon palang? "Successful na si Junhoe ngayon, ano pa bang problema nyomt ginulo nyo ulit sila ni Jinny?!"

"Dahil hindi sya nararapat sa babaeng yun! Ang babaeng yun ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Junhoe—" walang kasalanan si Jinny. Kung nagkaganito man ako, yun ay dahil sa kagagawan nya. Hindi ko na ma-take lahat ng masasakit na salitang binabatk nya kay Jinny.

"TAMA NA!!!" Sigaw ko. "Noon palang alam ko nang hindi nyo gusto para sakin si Jinny. Damang dama ko yun kaya ginawa namin ang lahat para lang magustuhan mo sya para sakin pero kahit anong gawin namin, masama parin ang tingin nyo kay Jinny. Minsan nga naisip ko kung ano bang kasalanan ng babaeng mahal ko sa inyo eh."

"Dahil inilalayo ka nya sa akin anak!" Inilalayo? Kelan? Paano? Hindi ko alam ang sinasabi nyang nilalayo ako ni Jinny sa kanya.

"Kahit kailan hindi ginawa ni Jinny yun, ikaw lang ang may mali kaya pakiramdam mo malayo ako sayo. Gaya ng ginagawa nyo sakin ngayon. Imbis na pagaanin nyo loob ko, nakikisali pa kayo sa problema ko. Ganyan ba ang tunay na ina? Mas pinapabigat pa ang problema ng anak? Sa tingin ko hindi.."

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon