Sophia's POV
First time na hindi ko kasama si Charlene dito sa tambayan namen sa Mcdonalds. Ang tahimik lang. Kahit si Gian, ramdam mo na malungkot din siya dahil wala si Charlene.
"wawa naman si tabs..."
.
..
...
....
......
Ah sige. Parang wala akong kausap. Ano pa nga ba ang gagawin ko diba? Edi mag-forever alone na lang ako. Ano pa nga ba? At dahil sa sobrang kaboringan ko, naka Ninoy Aquino 500 bill ako dito, di kaya malasin naman ako neto?
"tara alis tayo dito..." aba, sa wakas nagsalita na din siya,
"saan naman tayo pupunta?"
"kahit saan..."
"meron bang place na kahit saan ang pangalan?" nag-jo-joke kase ako, pero obviously, di siya natawa,
"lika na..."
Nauna na siyang tumayo, at ako eto, naiwan lang dito, late reaction kase ako. Di ko alam kung ano problema nia. Malungkot ba siya nang dahil sa pagkakawala ni Charlene? E bakit siya nalulungkot sa pagkakawala ni Charlene? Gusto niya ba ang best friend ko?
Ohhmyyyy! I think he do like my best friend. OMGEEEEE!
Madali akong sumunod sa kanya sa may parking lot. At sumakay na agad-agad sa kotse niya, he opens the radio at ang natugtog bigla sa radyo ay, Ngiti by Ronnie Liang.
Umandar na kami. At gustong gusto kong malaman kung ano ba talaga ang dahilan ng pagka lungkot niya. Sa totoo lang namimisteryohan ako dito sa taong to. Di ko sia mabasa. Paiba-iba kase ang ugali niya. Mamaya magsasalita tapos maya maya di na magsasalita na prang galit na sa mundo, yung ganon.
"Gian, bat ka pala malungkot?"
"hindi naman a?"
"weeh? Kanina ko pa napapansin e. Bat ka malungkot?"
"hindi naman ako malungkot. Ganto lang naman talaga ako. Tahimik."
"sus! Di ka naman talagang ganyan, dali na sabihin mo na sa akin,"
"wala nga. Ganito lang naman talaga ako,"
"di nga? Masama mag sinungaling..."
Natawa siya, o diba, sabi ko na e, kanina di sia nakibo tas bigla na lang siyang ngingiti,
"wala nga."
"sure ka naba?"
"oo ah,"
"baka naman may tinatago ka sa akin,"
"ano namang itatago ko?"
"aba! Malalaman ko ba yun e tinatago mo nga?"
"Pia. Wag ka ng makulit. Kita mong nagmamaneho ako. Mamaya na lang tayo magusap..."
"kaya mo naman makipagusap sa akin a? Tulad ngayon,"
Napangiti na lang siya, okay na mood niya, pwede ko ng itanong,
"gusto mo ba best friend ko?"
Gian's POV
Napapreno ako sa gitna ng daan sa sinabe niya sa akin. Hindi ko lubus akalain na yun ang magiging hinala niya sa pagkatahimik ko,
"dahan-dahan naman Gian! Bat ka ba nag-preno bigla? Tignan mo madami magagalit sa atin niyan... May problema ka ba talaga?"
Maraming nagalit sa akin. May mga nagmumura sa akin, sinasabihan akong tanga magmaneho. Kahit naka-close window ako, naririnig ko pa din ang sigaw nilang lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Teen FictionKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...