Sophia's POV
Dear Diary,
Sa sobrang daming nangyari ngayong araw na to hindi na ako nakapag sulat sayo. This day is unbelievable. Yun lang ang masasabi ko ngayon.xoxo, Sophia
--
Napabilis ang pagsusulat ko dahil may klase na kami.
At ang masama pa dito, kaklase ko sa subject na to si Valentina! Nahihiya naman ako. Kahit naman isumbong ko si Valentine kay Finn wala namang magagawa si Finn dahil wala naman siya dito.
May nagtext, nag-va-vibrate ang cellphone ko. Pero bawal ilabas ang phone dahil sobrang higpit ng professor namin, kaya patago ko na lang titignan.
Habang tinitignan ko ang text kung kanino nanggaling,
Siniko ako ni Gian, "UYYY!"
"ayyy palaka ka!"
"itago mo nga yan. Mamaya na yan..."
"ehhh baka importante eeh..."
"kahit na..."
"sige na.. Babasahin ko lang haa? Sikuhin mo ulit ako kapag medyo napapatingin dito si sir..."
Wala ng nagawa si Gian kung hindi ang mapa-iling na lang,
Sabi sa text,
"Sophia, labas ka...." -Finn
Ano na naman kaya yun???
Nagpaalam ako sa prof ko na mag-si-cr lang ako. Kinakabahan pa nga ako habang nagpapaalam ee, pero pinayagan din naman.
Pagkalabas ko, hinahanap ko kung asan si Finn, wala naman.
Hmmm.... Ano ba yan? Napapagod na ako. Akyat panaog na ako.
Wala na ako magagawa, babalik na ako sa classroom. Baka magtaka na yung prof namen na masungit. Ite-text ko na lang si Finn na di ko siya makita.
Pag-akyat ko, Meron akong nakita na balloons na nalipad.
Ang dami. Ang daming balloons.
Pero di ko ito pinapansin.
Tuloy tuloy pa din ako sa pag-akyat, hanggang sa nakita ko si Charlene, at nakita ko na parami ng parami ang mga tao. Ano na naman ito? Anmeron?!
Pumunta ako don sa maraming tao na nakasilip sa mga bintana, nakaka-curious naman kase diba?
Pag lapit ko sa may bintana,
NAKITA KO SI FINN at ang mga tropa niya na diko kilala,
Nang nakita ako ni Charlene, sumigaw siya,
"ANDITO NA SIYAAAA!!!!"
Biglang nag-form ang mga friends niya as letters,
Nagsimula sa letter S
Sumunod is letter O
Then, P-H-I-A,
I-L-O-V-E-Y-O-U
Lahat sila nagtataka kung sino ba si Sophia. E siempre, di naman ako ganon kakilala dahil unang una, di naman ako campus crush. At siempre freshman lang naman ako.
Lumapit sa akin si Charlene,
"tabs. Ayan. Para sayo. Para maging masaya ka lang,"
"salamat tabs..."
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Novela JuvenilKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...