Gian's POV
Nagkanda leche-leche na. Putakte yan! Mukhang maghihiwalay pa ata ng dahil sa ginawa ko.
Umalis na lang bigla si Finn, at si Bea? Pumasok na sa loob ng studio. Hindi na ako nagsalita pagkapasok ko din sa studio. Parang walang nangyari. Nagsimula na ulit kami sa ginagawa namin.
-
12am na, di pa din umuuwi si Bea, "ayaw mo pang umuwi? Ihahatid na lang kita," sabi ko sa kanya,
"Di na, dito na lang ako matutulog. Ayoko sa bahay muna ngayon,"
"Sigurado ka ba?"
"Oo. Saka baka puntahan lang ako ni Finn dun. Ayoko siya makita,"
"Sige. Basta kung kelangan mo ko, sabihan mo lang ako," tumango lang siya at tumayo na ulit ako. Halata na ngayon sa mga mata niya na nasasaktan siya. Kasalanan ko naman 'to. Kung di ko yun ginawa edi sana naging ok na sana sila ngayon. Hindi ko na muna siya pipilitin at kukulitin baka magalit ng tuluyan.
Finn's POV
This is b-lls-t! Ano bang nagawa kong mali?! Grabe naman siya! Siya nga 'tong may kasalanan, siya pa 'tong may ganang makipag-cool off at humingi ng space!? I need a drink. I need to clear my mind!
Pagdating ko sa bar, I ordered vodka. Shot lang ng shot ng mawala 'tong sakit na nararamdaman ko. Then I feel something. May humawak sa bewang ko, nilingon ko ito and I saw my ex-girlfriend, "what are you doing here?" I asked,
"Dapat ako ang magtanong sayo niyan diba? What are you doing here?"
"It's none of your business,"
"Easy. I think you have a problem. Lemme guess. Hm. Relationshit problem ba yan?"
"Wala ka na nga dun,"
"Oh c'mon Finn, kilala kita. Pag may problema tayo, saka ka lang umiinom, spit it out Finn. Isipin mo na lang na, I'm still your friend,"
"Friend? Are you kidding me? Ikaw pa ba papayag na maging 'friend' ulit ang ex mo na? Wag ako Tine,"
"Finn naman. Masyado mo ata akong ina-underestimate, try me,"
"Di ko alam kung anong balak mo pero wala kang mapapala sa akin,"
"I'm here to help Finn. Malay mo, may alam ako na hindi mo alam,"
Napahinto ako sa pag-inom ko at nabaling ang tingin ko sa kanya, "what do you mean by that?"
"Well, sabihin na natin na, kilala ko yung girlfriend mo,"
"Of course you know her. Sikat na kasi siya,"
"Hindi lang yun, kilala mo din ang girlfriend mo,"
"Oo, kilala ko naman talaga siya coz I'm his boyfriend,"
"Really?" Bigla siyang tumawa ng malakas, "sige na I have to go. Maybe hindi pa ngayon yung oras," lumapit siya sa akin at binulungan ako, "you'll gonna thank me for this," umalis na siya at iniwan niya akong nag-iisip. Ano ba yung sinasabi niya?
Ilang weeks na din ang nakalipas, and yet, di pa din kami ok ni Bea. Gusto ko ng gumawa ng move. Pero how? Baka di pa din siya ok. Natatakot ako na kausapin siya baka kasi ma-reject na naman ako.
Everyday ko pa din naman siyang tinitignan. Minsan lang siyang umuwi. Uuwi man siya, saglit lang. Maliligo lang ata siya at kukuha ng damit. Or minsan, matutulog lang siya tapos kinaumagahan aalis na ulit. I still know what she's up to. Masyado siyang busy ngayon sa pictorial niya. Halos buong commercial na din ata sa TV siya na din ang nakikita ko. I really do miss her. Pero paano? I have to do something.
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Teen FictionKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...