Chapter 65 - D-Day

23 0 0
                                    

Bea's POV

Paglabas ko pa lang ng elevator, nakita ko na agad si Finn. Naghihintay.

"Where have you been? God, I've been calling you like 40 times pero di mo sinasagot yung mga tawag ko. Kala ko may nangyaring masama na sayo,"

Ang OA ha! Kapag siya ba di sinasagot yung tawag ko ganyan din ba ako ka-OA, "diyan lang," yun lang ang nasabi ko,

"What do you mean by Diyan Lang? Tumatawag din sayo yung manager mo but you're not answering,"

"E pagagalitan niya lang kami kasi,"

"Kami? Sino yung kasama mo?"

"Si Gian,"

"What?! Saan naman kayo nagpunta?! Bat di mo sinabi sa akin?!"

"Lahat ba kailangan kong sabihin sayo?"

Nagulat siya sa sinabi ko, "I'm your f--king boyfriend Bea!"

"So? Di pa naman tayo mag-asawa ah!"

"Bea?"

"What!?"

"Di ko inaasahan na sasabihin mo sa akin yan Bea, yeah, right," umalis na siya, di na nya ako hinayaang magsalita pa.

Pagpasok ko, nasa loob pa din si Charlene, "ba't ngayon ka lang? Kanina pa kami tawag ng tawag sa inyo,"

"Si Gian kasi napaka-pasaway,"

"Saan ba kayo galing?"

"Sa bahay ng tito't tita niya,"

"Saan naman yun?"

"Sa Batangas ata? Di ko sure. Ah Tabs, di ba nag-doorbell si Finn dito kanina?"

"Di naman, bakit? Nasa labas ba?"

"Oo eh. Nag-away na naman nga kami,"

"Ha?! Bakit? Nyare?"

"Ewan ko dun. Bahala siya," nakakatamad mag-kwento. Saka di naman ganun ka-importante yun kaya wag na lang ikwento.

-

D-Day!

Bigla na akong kinabahan. At bigla na akong nawawala sa sarili. Maging maayos kaya itong concert na 'to? Paano kung bigla akong pumiyok? Or paano kung biglang sumintunado yung banda? Halaaaa.

"Bey, pikit ho kayo. Eye shadow na ho tayo," sabi sa akin ng make-up artist ko. Tulala kasi talaga ako. Dapat nga nag-wa-warm-up na ako ng boses ko pero, parang feeling ko, tuyong tuyo na ang lalamunan ko.

Everyone is congratulating me eh wala pa naman. Di pa nga tapos yung concert eh. Si Sir Didi, busyng busy talaga. Pero di ko makalimutan yung time na G na G siya sa amin ni Gian.

*flashback*
"Ano ba naman kayo? Diba hindi ko kayo pinayagan?! Ang titigas ng ulo niyo! Paano na lang kung may mga stalker kayo diyan na may balak gawin sa inyo na masama?! Lalo ka na Bea! Kahit madami ang fans mo, madami din ang haters mo. Mygahd! Pinapakaba niyo ko! Ito na yung huling beses na gagawin nyo yan ah! Hindi na 'to mauulit!" Nag-walk out si sir, at kami ni Gian ay tahimik lang nung una,

"Sabi ko sayo kasi," sabi ko kay Gian, siya naman talaga dapat sisihin,

"Ako na naman! Lagi na lang akong mali!"

Napatingin ako sa kanya, "wow ha? Ang drama mo," bigla siyang tumawa ng malakas, "anong nakakatawa?"

"Masyado ka kasing seryoso, hayaan mo na yung galit ni sir. Mawawala din yan. Ang mahalaga, ok tayo. Wala namang nangyaring masama sa atin diba?"

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon