CHAPTER 58 - Her true identity

103 3 0
                                    

Bea's POV

Nagising ako sa amoy ng tuyo. Tumayo agad ako at hinanap ko yung bathrobe ko. Yun na lang muna ang isusuot ko. Nakakatamad mag bihis.

Pumunta na ako sa kusina at nakita ko na nagluluto si Finn. Inayos ko muna ang buhok ko bago ko magparamdam sa kanya, "bango niyan ah,"

"Kumakain ka ba nito?"

"Oo naman, tuyo kaya yan. Walang makakatalo diyan,"

"Umupo ka lang diyan at matatapos na ako dito,"

Feeling ko tataba ako dito kay Finn. Napaka sarap kasing magluto. Simpleng kamatis at tuyo at fried rice lang ang niluto niya, pero ang sarap. Ibang klase.

Ish's POV

"Ang sakit Ish, di ko 'to kaya," pagda-drama ni Valentine sa akin, "niloko nila ako! Niloko nila ako!" Humagulgol na siya ng iyak sa harapan ko.

"Kala ko ba may plano ka?"

"May plano nga ko pero," umiyak na naman siya ulit,

"Kailangan mo pa ba ko? Meron kasi akong kakilala na private investigator,"

"Meron din akong kilala!"

"Yun naman pala eh, edi gamitin mo yung kakilala mo na yun,"

"E kaso, tanga yun eh,"

Napayuko na lang ako, "o sige ganito na lang. Tatawagan ko yung kakilala ko na yun tapos, sabihin mo lang sa akin kung anong dapat ipagawa,"

"Eh ang gusto ko lang naman is yung malaman ang mga nakaraan nung Bea na yun,"

"Ah ok," dinial ko na yung number ng investigator, mga 4 na ring muna bago niya ito sinagot, "sir, magandang hapon po, si Ish po ito yung kaibigan po ni Julius,"

After namin mag-usap,

"Magkano daw?" Tanong sa akin ni Valentine,

"Depende pa daw yun kung gaano katagal niyang matatapos yung paghahanap, pero ang minimum daw eh 10K,"

"That's fine, e ang minimum days ng paghahanap?"

"5 days daw,"

"Pag pinamadali natin kaya? Magkano kaya aabutin?"

"Valentine, yun na nga ang pinaka mabilis na araw. Mahirap talaga yung pinapagawa natin lalo na't sikat yung pinapa imbestigahan mo,"

"Ang tagal ng 5. I can't wait that long,"

"E ano? Papa-cancel ko na?"

"Wag na. Pero matagal talaga,"

Makapagreklamo 'tong babaeng to wagas. Ba't di kaya siya maghanap ng mas mabilis?

Gian's POV

"May good news ako sa inyo babies," pinatawag kasi kami ni Sir Didi,

"Ano yun sir?" Tanong ni Logan,

"Kayo ay mag-uumpisa ng mag-recording simula bukas, at after 2 months, kayo naman na banda ang ilalabas ko,"

Natuwa kaming lahat. Ito na yun!

"Let's celebrate?" Sabi ko. Lahat tinawagan na namin. Mga tropa sa kung saan. Pero isa lang ang di ko matawagan. Si Bea. Iniisip ko kasi, masyado na siyang busy sa personal na buhay niya.

-

Nag-umpisa na ang pag-ce-celebrate namin. Lahat naki-congratulate sa amin. Nagsasaya na ang lahat. May nag-vi-videoke, may nag-iinuman. At ako naman dito, pinapanuod ko lang sila. Masaya na ako sa ganito.

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon