CHAPTER 31 - Ang pagkikita muli

229 2 0
                                    

Bea's POV

Anong gagawin ko?! Speechless ako!? HALAAA! BEA! THINK! THINK !

Sandali... Inhale, exhale.

Di pa ako ready sa face-off namin ni Finn. Bakit ngayon pa?! Kung kelan di naman ako naka-ayos! Ha?! Ano daw?! Sandali. Anggulo ko talaga.

"miss? Are you okay?" humawak siya sa balikat ko, at napatingin ako sa paghawak niya, tapos bigla niyang tinanggal yung kamay niya sa pagkakahawak, "sorry..." sabi niya, aba at nagso-sorry pa talaga siya.

Inhale, exhale. Last na to.

Tumingin ulit ako sa kanya, mata sa mata, "okay lang yun..." sabay ngiti, "sabihin mo sa akin kung nasira yang phone mo, babayaran ko na lang, here's my number," kumuha ako ng papel sa loob ng bag ko at ballpen, at sinulat ko yung number ko, tas binigay ko sa kanya,

"yan, tawagan mo na lang ako if you need anything..." confident kung sinabi pero sa totoo lang, nanginginig yung kalamnan ko. Umalis na ako. Baka kung ano pang magawa ko sa harapan niya.

Biruin mo naibigay ko yung number ko sa kanya?! At bakit?! Bakit ko ginawa yun?!

--

"WHAAAAT?!! BINIGAY MO YUNG NUMBER MO KAY FINN?!?!?!?!"

Luh. Kung maka-react naman si Tabs sa kinuwento ko sa kanya,

"oo... Wala na akong nagawa ee..."

"naaaks! This is your chance tabs! Pwedeng maging kayo ulit..."

Ano daw? "haa? Maging kami? No way!"

"etchos mo! E bakit ganon? Bat mo binigay number mo sa kanya?"

"basta... I have a personal reason..."

"ako yung best friend mo Sophia... Never ka pang nagtago sa akin,"

"well, ngayon ibahin mo na ako tabs..."

Charlene's POV

Ano yung sinabe ni Sophia sa akin? Yung best friend ko magtatago sa akin? Sa tagal ng pinagsamahan namin, ngayon lang siya magtatago sa akin ng secret. Anong nangyayare? Ano bang gusto niyang mangyare?

Di ko na kinulit pa si Sophia don sa sinasabe niya, pero nararamdaman ko na hindi ito maganda. Nararamdaman ko na pwede niya itong ikapahamak.

Best friend ko pa din siya, kahit anong gawin niya, dapat andian lang palagi ako sa kanya, pero paano kung ganito? Paano ko siya dadamayan kung wala akong alam sa mga nangyayare?

Haaaays. Bahala na siya, basta sinabihan ko na siya.

--

Nagulat ako, ng biglang tumawag sa akin si Sophia,

"ohhh tabs?"

"may tumawag sa akin!!!"

Ha? Naguluhan ako, bakit mukang tuwang tuwa siya?

"o sino naman yan?" tanong ko, pero halata sa boses ko na di ako interesado,

"si Fi... nn"

Haaays. Ito na naman po tayo. Ayan na naman po si Sophia, kala ko ba wala na yung dating Sophia?

"o? Tapos?" lalo akong nawalan ng gana,

"tabs naman! Suportahan mo naman ako,"

"haaa? Anong gusto mong gawin ko? Tumambling ako dito? Mag-celebrate tayo ganon? Matanda na tayo para sa ganyan Sophia,"

bigla siyang tumahimik,

teka, may nasabi ba akong di maganda sa kanya?

Bigla siyang nagsalita, "masyado ka namang seryoso tabs. May problema ka ba?"

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon