CHAPTER 49 - Mix feeling

168 1 0
                                    

Bea's POV

Lahat sila nakatingin sa amin. Ang bango bango talaga ni Finn. Di ko mapigilan na di ko siya amuyin. Pero Bea, baka mawala ka na naman sa sarili mo. Umayos ka!

Tinulak ko siya papalayo sa akin at pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Biglang natuyo yung lalamunan ko. Pagtapos kung uminom. Saka ako ulit nagpunta sa kanila,

"ano Bea, nakapag isip ka na ba kung anong kulay ang gusto mong ipintura dito?" Tanong ni tabs sa akin,

"ah, oo. White na lang para maliwanag," sabi ko,

"good choice Bey, bagay sa personality mo ang white," sabi naman ni Finn sa akin na may kasamang pagtapik tapik sa balikat ko,

"Umpisahan na natin! Masyadong malaki 'tong pipinturahan natin," sigaw ni Gian.

Kanya kanya kami ng lugar kung saan kami magpipintura, ako at si Tabs sa kwarto ko, si Finn, Gian at Liam naman sa sala, medyo malawak kasi yung sala. Sa kusina naman, wala naman masyadong pipinturahan dun dahil maganda na yung porma ng kusina. Sa isang kwarto naman na gagawin kong guest room e si Andrew ang nagpipintura. Sa isang kwarto din naman na gagawin ko namang gym at the same time pwede ding music room, si Logan at Anthony naman ang nagpipintura.

Nag-e-enjoy kaming lahat kahit na parang di ok si Gian at Finn sa isa't isa. Hapon na pero hindi pa din kami nagta-tanghalian pare-pareho. Lumabas muna ako saglit sa kwarto at tinawag ko sila isa-isa.

"alam ko gutom na kayo, ano gusto niyong kainin?"

"MCDO PLEASE!" sabi ni Logan,

"kahit ano, kayo ng bahala," ika naman ni Liam,

"ikaw Gian? Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya,

"bahala ka na Bea, ok lang naman sa akin kahit ano," sagot ni Gian sa akin,

"e ikaw Finn, anong gusto mo?"

"Ikaw,"

Nagsimula ng mag-kanchayawan ang lahat. Itong si Finn iba din kung tumayming. Iba talaga siya. May girlfriend pa yan pero, nilalandi na agad ako. Para tumigil na ang lahat, nagsalita na ako,

"ganito na lang, oorder na lang ako ng KFC at ng Mcdo. Kung sino ang may gusto, kumuha na lang ok ba yun?"

"Ok na ok!" ika nilang lahat.

-

Sa lapag lahat kami kumain, maliit kasi ang lamesa ko. Enjoy din naman dito sa lapag. Yun nga lang. Hirap pa din hahaha!

Magkatabi kami ni Finn. At pinaghihimay niya talaga ako ng manok. Nakatingin si Tabs sa aming dalawa at mukhang kinikilig na naman siya. Palibhasa wala si Josh kaya ayan, sa iba kinikilig.

Sa totoo lang, ang dami kong nakain. Ilang calories na naman ba ang dapat kung i-burn? Hayaan na nga. Mag eexercise na lang ako after nito.

"gusto mo pa ba?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Gian sa tabi ko. Ang layo niya kaya sa akin kanina pero ngayon nakaupo na sa tabi ko,

"nakakagulat ka naman Gian. Kanina di pa kita katabi eh, pero yung sagot ko sa tanong mo, thank you but no, thank you. Ang dami ko ng nakain, sige na ubusin mo na yan," sa totoo lang gusto ko talaga. BigMac kaya yun kaso panibagong calories na naman yun. Kaya konting control Bea. Mahirap magpapayat ano!

"ah, Bey, may kaibigan ako na interior designer, gusto mo bang kausapin ko siya?" biglang suggest naman 'tong si Finn,

"ha? Hindi, ok lang kahit wag na. Mas ok na yung simple lang,"

"hm, ok,"

Jusko. Saan naman ako kukuha ng pambayad sa interior designer na yun? Baka mamaya mahal pa singilin nun. Kahit na ba pasikat na 'ko kelangan ko pa ding mag-ipon.

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon