CHAPTER 26 - Concern si Gian pt. II

212 2 0
                                    

Bea's POV

Habang nagkukwento si Gian sa akin, nag-fa-flashback na naman sa akin lahat ng nangyare sa akin, kaya pinahinto ko na siya,

"ahhhh. tama na..."

"ha?" nagulantang ata siya sa sinabe ko,

"ahh eehh ang ibig kong sabihin, pwede mo ba akong turuan mag-gitara?"

"oo sige ba... kunin mo yung isang gitara,"

Kinuha ko yung isang gitara at pina-exercise niya muna ang mga daliri ko. Siguro mga 5minutes kame nag warm-up sa kamay.

Pagkatapos non tinuruan na nia ako mag gitara, kung paano ipwesto ang mga daliri, kung pano ang A,D,G .

Pero sa totoo lang, wala akong natandaan kase naiisip ko yung sinabe niya. Na mahal niya ako. Bakit? Sa taba kong yun nagustuhan niya ako, talaga?

Bigla akong tumigil,

"o? may problema ba?"

"hmm. Anong ichura nung babae na sinasabe mo na nainlove ka?"

Napangiti na naman siya, at yung ngiti na yun, malalaman mo talaga na minahal niya yung babae na yun, na minahal niya yung dating ako,

"alam mo kase, ayoko siyang idescribe physically, hindi dahil sa panget o maganda siya, gusto ko kaseng malaman ng ibang tao kung sino talaga siya. Ayokong i-judge siya ng ibang tao ng dahil lang sa kung anong ichura niya, gusto ko makilala siya ng ibang tao bilang isang babae na minahal ko..."

Si Gian ba tong kausap ko?!

napatulala lang ako sa kanya. Adik talaga to. Di man lang niya sinabe sa akin to noon?

"sige na turuan na kita bago sila dumating..."

--

After ng pag-pa-practice namen, di ko pa din matanggal sa isip ko yung sinabe ni Gian sa akin. Kung alam ko lang talaga noon bat di na lang siya? Bat di na lang siya ang naging boyfriend ko? Pero kasi, solid lang talaga yung pagmamahal ko kay Finn. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya.

Habang tinitignan ko siya sa malayo, napapaisip tuloy ako, bat sinayang ko ang pagkakataon ko noon? Bat di ko agad napansin?

Ganon na talaga yun.

Nasa huli lagi ang pagsisisi.

--

Uwian na pero hanggang ngayon si Gian, di pa din bumababa.

Teka? Bakit ko nga ba siya inihintay?

Dapat umuwi ka na Bea, wag mo na siyang hintayin.

Sige lalakad na ako papalabas ng building tapos sasakay na ako ng jeep tapos bababa na ako sa bahay tapos magbibihis na ako at matutulog. Hayy nakalimutan ko kasi yung susi ng kotse ko sa bahay kaninang umaga dahil sa sobrang pagmamadali.

Okay Bea, lakad na ng papalayo.

Papalayo.

Papalayo.

Papalayo.

Papalayo.

Papala....

"BEA!!!!"

PAAAAAAAAK!

Napapikit ako.

si Gian kase yun.

Dapat kase kanina pa ako umalis e. Ang tanga tanga ko talaga.

Okay, act normal Bea. Act. Nor-mal.

Humarap ako kay Gian, "uyyy! Andito ka pa pala?"

"oo. Chineck ko kase muna lahat ng gagamitin namen bukas. Alam mo naman, gusto makita ni Sir Didi lahat ng pinraktis namin... sabay na tayo? San ka ba uuwi? Tara hatid na kita..."

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon