Gian's POV
May gig kami ngayon, kailangan namin to para makilala kami,
Maraming nagtatanong kung bakit "6 guitars" ang pangalan ng banda namin, "6Gs" for short, kase, 5 kaming marurunong mag-gitara, at yung pang-6 ay si Josh, yung pinsan ko, na talagang pinipilit na matuto mag-gitara,
"par, ano? Handa ka na ba?" tanong ni Andrew sa akin,
Wala kasi si Anthony yung vocalist namin, nagka-sakit bigla, kaya ako muna ang kakanta,
"oo sige, handa na ako," sabi ko naman, kaso kinakabahan pa din ako, di naman kase ako sanay na ako yung kumakanta talaga,
"acoustic lang to par, kaya mo yan, mabagal lang naman," sabi ulit ni Andrew,
"oo..."
"goodluck par," sabi naman ni Liam,
Lumabas na ako at si Logan, sa backstage mahirap kumanta habang nag-gigitara, pero sige, bahala na,
sumenyas na si Logan sa akin, at nagsimula na kami,
Ginaya namin yung version ng Boyce Avenue sa kantang Breakeven ng The Script, medyo nanginginig pa yung boses ko nung una, pero habang patagal ng patagal ang pagkanta ko, di ko na namamalayan na umaayos yung boses ko, parang feel na feel ko yung kanta,
para kasing natatamaan ako sa lyrics ng kanta,
--
Pagkatapos kong kumanta, nagpalakpakan ang lahat, nagulat ako, pero nagpasalamat pa din ako,
"salamat po, kami po ang bandang 6 guitars or 6Gs, ako po si Gian yung lead guitarist at si Logan po ang Rhythm guitarist po namin, ayun, maraming salamat po ulit," biglang nagsigawan yung mga tao, pagbaba palang namin ng stage, nagpapalakpakan pa din ang mga tao, gusto ko na ngang magtago kase nahihiya na ako, pero ito naman talaga ang kailangan namin, ang makilala, at palakpakan ng mga tao,
kaya pag-upo pa lang namin ni Logan sa table naming magkakabanda, may lumapit na isang babae, matangkad, payat, mukhang model,
tumayo si Logan at nagpakilala agad,
"hi miss.. Ako nga pala si Logan, at ikaw?"
Ngumiti yung babae, "pwede po ba magpa-autograph sa inyo? Lalo na po sa vocalist niyo?"
Nagtinginan kaming lahat,
vocalist?
"wala po si Anthony yung vocalist po namin," sagot naman ni Liam,
"haaa? E, sino po yung kumanta kanina?"
Nagtinginan naman silang lahat sa akin,
"ahh? Siya pala yung pinsan ko, si Gian, ako nga pala si Josh,"
Ngumiti ulit yung babae, "ay di po pala ikaw yung vocalist? Kala ko ikaw,"
"ahh. Hindi," sabi ko naman,
"pa-autograph po, pwede po? Saka papicture nadin po,"
"ahhhh..."
Di ko alam kung anong sasabihin ko, basta ahh lang ako ng ahh,
Pagkatapos ng pagpapa-picture, nagpakilala na lang bigla yung babae,
"ako pala si Ishani, Ishani Delos Reyes... Ish na lang for short kung gusto mo," inabot niya yung kamay niya sa akin para makipag shake hands,
"Gian na lang. Short din naman yun,"
"WOOOOOOO!" sabat ng mga loko loko kung kaibigan,
"ate, pasensya ka na, korni talaga tong kaibigan namin," sabi naman ni Logan na mukhang nanggagalaiti dahil di siya yung nilapitan nung babae,
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Fiksi RemajaKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...