CHAPTER 59 - Hokage moves pt. II

119 2 0
                                    

Bea's POV

Isang araw ng wala si Finn. Magagawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin ngayon. Pupunta muna ako sa gym ngayon. Matagal tagal din akong nabakante at di ako nakakapag exercise. Biglang nag-text si Gian sa akin at pinapapunta ako sa recording studio. Ito na ba yung sinasabi niya? Haaaay. Kung kelan naman desidido na kong mag gym saka pa naman naging ganito.

Di na ko nakapag bihis. Pumunta na lang ako sa studio ng naka outfit na parang mag zu-zumba. Pagpasok ko pa lang, nagulat na sila kasi kakaiba daw ang aura ko ngayon. Di ko alam kung joke ba yun o totoo pero naiintindihan ko naman sila kung bakit ganun ang tingin nila sa akin hahahaha!

"Beaaaaaa!" Sigaw ni Logan na naman sa akin. Niyakap niya ko ng mahigpit na mahigpit. Akala mo naman di kami nagkita ng 2 taon.

"Ah, Logan? Di...na...ko makahinga," binitawan niya agad ako at inalalalayan na niya ako papunta kay nila Gian.

"Akala ko di ka dadating,"

"Ako pa Gian?!" Tumawa silang lahat except kay Liam na nag-re-recording na.

"Hanggang anong oras ka dito?" tanong ni Gian sa akin,

"Hanggang sa matapos kayo,"

"Wala ka bang ibang schedule?"

"Sasabihin naman sa akin ni sir yun kung meron,"

"Hindi yun. Yung sa personal life mo,"

"Wala siya dito wag kang mag-alala,"

"Talaga? Saan siya?"

"Ayun pala ang 'personal life' na sinasabi niya, nasa Hong Kong,"

"Edi dito ka muna?" sabay ngiti niya,

"Oo nga kulit,"

Makikita mo sa mukha ni Gian na ang saya saya niya. Hindi lang dahil sa ilalabas na ang banda niya sa publiko kung hindi dahil din sa akin, na nandito ako. Iba rin talaga kapag may boyfriend ka na talaga. Nawawalan ka talaga ng social life dahil naka focus ka lang sa boyfriend mo. Hindi naman ganun kahigpitan si Finn pero iba pa din. Hindi mo magawa yung gustong mong gawin kasi may limit.

Makikita mo din kay Gian na sobrang hard working niya. Na sa ganitong mundo talaga siya nababagay. Lalo siyang gumagwapo kapag gumagawa siya ng kanta. Siya yung talagang leader ng isang banda. Hindi siya tulad ng iba na hindi niya iniisip yung ibang member niya. Nakakatuwa naman at nakikita ko na natutupad na din ang pangarap niya.

Inabot na kami ng alas-dos ng madaling araw dito sa recording studio. Wala naman ding problema kung dito kami makatulog kasi malamig din naman saka may konting kalakihan ito.

Habang busy na busy si Gian, nagpaalam muna ako na lalabas ako. Bibili muna ako ng kape para sa lahat. Mukhang wala silang balak matulog. Pupunta muna ako sa 7/11, pagkapasok ko di ko namalayan na sumunod pala si Liam sa akin.

"Ba't kasi di ka pa nagpasama? Delikado dito kapag ganitong oras," sabi niya habang sumusunod siya sa akin,

"Ang lapit lapit lang Liam eh," sabi ko naman,

"E ang kaso sikat ka na. Di ka na tulad ng dati na pwedeng lumaboy mag-isa,"

"Laboy talaga ah, sige na mamili ka na kung anong gusto mo,"

Pagkabili namin, tumambay muna kami sa labas ng 7/11. Kwentuhan tungkol sa buhay buhay.

"Hard working talaga yan si Gian noh?" Sabi ko kay Liam habang humihigop ako ng kape,

"Oo naman. Hindi yan tumitigil hangga't di niya nakukuha yung bagay na matagal na niyang pinapangarap,"

"Halata ko nga eh. Ganyan na talaga yan,"

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon