CHAPTER 37 - Sorry

216 3 2
                                    

Bea's POV

WHAAAAAT?! Andito si Finn?! Paano niya nalaman tong lugar na to?!

Sa pagkakaalam ko, di naman siya mahilig sa mga gantong lugar ee. Di naman siya fan ng coffee. Di rin siya fan ng mga ganitong klaseng lugar. Yung ganitong ambiance.

Bakit siya nandito?

HALA!

Tumitig din siya sa akin, iiwas ako ng tingin. Buti na lang may earphones ako.

Okay Bea, relax. Di ka naman lalapitan niyan ee. Dedmahin mo na lang. Patay malisya ganon.

Oo tama, ganon na lang talaga.

Nilaksan ko lalo yung music ko at talagang wala na akong naririnig.

Maya-maya pa, nakita ko sa gilid ng mata ko na, tumayo si Finn. Mukhang aalis na siya. Buti naman...

Haaaays.

Makakahinga na ako ng malalim. Makakagalaw na din ako ng maayos, napasandal ako sa upuan at napa-pikit, feeling ko nabunutan ako ng tinik.

Sarap ng feeling ko.

Matagal-tagal din ako sa pagkakasandal ko sa upuan at matagal tagal din ang pagkaka-pikit ko,

ng magmulat ako,

nakita ko na lang si Finn, nakatayo na sa harapan ko.

"AYYYY KABAYO!" lalo akong napasandal sa upuan dahil sa gulat, nakita ko na napangiti si Finn sa ginawa ko, tinanggal ko ang earphones ko sa tenga ko,

"anong problema mo?" nagtataray ko pang tanong sa kanya,

"wala naman,"

"o? Wala pala e, bat ka andito? Manggugulo ka na naman?!" eto na naman po kami e, UUURRRGGGGHHHHH!!!! Tumayo na ako at kelangan ko ng umalis,

"ah, Miss?"

Huminto ako saglit at tumingin sa kanya,

"nakalimutan mo ata," bigla niyang tinaas yung kape na hawak niya, "itong kape mo?"

AY TANGA!

OO NGA PALA!!! YUNG KAPE KO NA INORDER KO?!!!

Lumapit ako sa kanya, at kinuha ko agad yung kape ko, tinignan ko yung pangalan baka kase nagbibiro lang siya para bumalik ako e, at BOOM! Pangalan ko nga ang nakalagay.

Napayuko ako. Sa kahihiyan,

"bat di mo agad sinabe?"

"hm. Kasi masyado kang high blood," unti-unti na naman siyang lumalapit sa akin pero ako naman, unti unti ding lumalayo sa kanya, "kaya di agad ako nakapagsalita,"

bumibilis na naman yung tibok ng puso ko, napahawak ako bigla sa dibdib at sinisigaw ng utak ko na, tumigil na yung puso ko sa pagpa-palpitate.

"Finn?"

Nanlaki ang mga mata ko, kilala ko yung boses na yun,

"what are you doing? And who's this...." pagtingin ko kay Valentine, nanlaki din ang kanyang mga mata,

Relax Bea, si Valentine lang naman yan, kaya mong ngitian yan, kaya mo yan, nginitian ko si Valentine,

"o? Para san yang smile na yan?" nagtataray na sinabe sa akin ni Valentina,

"wala naman, masama bang ngumiti?" sabi ko,

"may sinabe ba akong masama?"

"bakit? Sinabi ko bang sinabe mo na may 'masamang ngumiti'? Wala naman dba?"

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon