Gian's POV
Pang apat na araw na at di pa din namin nahahanap si Sophia, miski yung parents niya laging tinatawagan ni Charlene kung ano na bang balita, pero wala din silang balita.
"wala pa din daw balita sila tita about kay Sophia e," sabi ni Charlene sa akin na parang pagod na pagod na sa paghahanap,
"wala na tayong magagawa, baka ayaw lang talagang magpakita ni Pia sa atin," sabi ko naman, nawawalan na din kase ako ng pag-asa,
"ano? Ititigil na ba natin ang paghahanap?"
"ewan ko... Bahala na,"
Wala na akong ibang alam na paraan para mahanap pa si Pia, lahat na ng paraan nagawa ko na pero wala pa din, di pa din namin siya makita,
"yaan mo na Gian, magpapakita din yun sa pasukan. Di naman pwedeng mawala yun."
"e kaso nga finals na ngayong week na ito,"
"e ano ang magagawa natin kung ayaw na niyang magpakita?"
"gago kasi yang Finn na yan e,"
"hayaan mo na si Finn, tapos na, nangyare na ang lahat,"
"kung di lang naman sa kanya, di naman magkakaganito,"
"hayaan mo na nga kase Gian, lalo lang lalaki ang gulo,"
--
Sem break na, at magpa hanggang ngayon di pa din nalabas si Pia sa kung nasaan man siya.
"anong sabi ng prof niyo?" tanong ni Josh sa akin, na sobrang concern din kay Pia,
"e nakausap na daw siya ng parents ni Sophia, e ewan ko kung ano nang mangyayare,"
"ano ba kaseng nangyari pinsan?"
"lecheng Finn kase na yun, kung hindi lang naman dahil sa kanya di magkakaganito si Sophia,"
Di na nagsalita si Josh, alam niya kase kapag galit na galit ako sa isang tao di talaga ako nakakalimot,
"anong plano mo ngayon?" tanong ni Josh,
"wala... Hayaan ko na lang, kung gustong magpakita ni Sophia sa atin, magpapakita naman yun, wag na lang natin pilitin ang ayaw,"
"oo nga, baka pumayag,"
Napa iling na lang ako sa sinabe ni Josh, kahit kelan talaga tong pinsan ko na to, walang kaseryosohan sa buhay,
Valentine's POV
Nawawala pa din daw si Tabachoy, ano bang nangyari don? Pero buti nga, she's gone... sana forever na, nang masolo ko na si Finn.
Yung tabachoy lang naman ang panggulo sa eksena namin ni Finn, napaka onion skin naman niya kung sa simpleng paggaganon ko e nasaktan na siya, nakaka-ewan lang naman, wala man lang akong hirap na ginulo ang relasyon nila.
WALANG CHALLENGE.
Habang nakapila ako sa cashier ng 7/11, may pumasok, isang matabang babae na naka jacket tapos naka sumbrero, halos di na makita yung mukha, ano ba yan?! Bakit nagkalat na ang mga tabachoy ngayon sa mundo!?!?!
Tapos napakabagal naman nung babaeng nasa counter, kanina pa ako nakapila e, ako pa naman ang nasa pinaka dulo ng pila,
"bawal ka niyan!"
"bakit naman bawal? Kahit konti lang? Yung maliit lang naman e,"
"BAWAL NGA!!!"
Napatingin ako sa likod,
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Novela JuvenilKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...