Gian's POV
Umagang-umaga pumasok agad ako para gawin ang mga assignments namin. Isa akong napakatamad na studyante. Nasanay kase ako na ginigising ng mama ko. Pero dahil sa kailangan ko ng maging independent, kailangan organize ang lahat.
Pagdating ko sa classroom, nakita ko agad si Sophia. Tinabihan ko siya agad at kinausap, "pst! ang lalim ng iniisip mo a?"
" *sigh* e kaseee, di ko alam kung pano to sagutan e..."
"alin ba?"
"Itong assignment natin sa math..."
"ito. Kopyahin mo na lang,"
"tama ba yan?"
"sus! dimo lang alam! napakagaling ko kaya sa math!"
"weeh? E bakit di ka na lang nag-engineering kung magaling ka pala sa math?"
"e kase, mas mahilig pa din ako sa music at sa pagpe-perform..."
"talaga?"
"oo, kaya eto... kopyahin mo na bago dumating si ma'am.."
Kinuha na niya ang notebook ko at kinopya na niya ang aking assignment. Alam ko naman tama eto e. Kaya di na siya lugi sa pagkopya niya. Habang tinititigan ko siya, natutuwa ako. Di ko alam kung bakit. Ngayon lang kase ako nagkaibigan ng isang katulad niya.
"Gian. Salamat..." iniabot niya sa akin yung notebook ko at biglang naalala ko yung lalaki na nakita ko.
"Sophia?"
"oww?"
"pwede bang magtanong?"
"ano yun?"
"sino yung lalaki na nakita mo kahapon?"
"nakita ko?"
"oo..."
Napahinto siya at talagang iniisip niya kung ano yung sinasabi ko, sabay bigla siyang ngumiti sa akin at sinabing, "si Finn yun..." napansin kong namumula na siya. Buong muka niya namumula kaya ang pakiramdam ko gusto niya yung lalaki na yun.
"sinong Finn?" tanong ko ulit, sana hindi siya mainis sa akin dahil sa kakatanong,
"Si Finn, yung pinaka crush ko simula noon pa..." pagkatapos niyang sabihin ito, mayroon siyang kinuha sa loob ng bag niya. Hinihintay ko ito dahil nacu-curious talaga ako.
Matagal tagal niya ding hinanap yung ipapakita niya sa akin. At ito'y isang notebook. Notebook na kulay brown, parang.. Parang diary ang dating nung notebook e. Ang hirap iexplain pero basta kulay brown siya na merong design at nakasulat na pangalan niya. Tapos lumapit siya sa akin at bumulong ng,
"sayo ko lang ipapakita ito, hindi ko pa ito pinapakita kahit kanino. Kahit sa best friend kong si Charlene. At please, wag mo ding sasabihin kay Charlene na nakita mo ito ha? Dahil super like niyang makita ito pero ayoko pa din... Okay?"
Napa "okay..." na lang ako. E bakit naman kaya ganito siya ka-open sa akin? Ang pinagtataka ko lang, di naman niya ako ganon kakilala?
Pagbukas niya ng notebook niya, inisa isa niya sa akin lahat lahat.
"ito si Finn. Finn Domingo. Crush ng bayan nung high school kami... at simula palang nuon, madami na akong alam tungkol sa kanya. Sinusubaybayan ko kaya siya sa lahat ng ginagawa niya. Kahit facebook, twitter, instagram niya naka-follow ako. Pati nga dito sa school sinundan ko din siya e. Baka sakaling mapansin niya din ako..."
Tas sinarado na niya yung diary niya, at nagsimula na akong magtanong, "sinundan? Anong ibig mong sabihin don?"
"Dapat kase sa La Salle ako mag-aaral kase dream school ko yun e! Kaso dahil sa nalaman ko na dito siya magaaral, pinilit ko yung mommy ko na dito niya ako ipasok. Na dito niya ako pa-examin."
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Genç KurguKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...