CHAPTER 15 - Nasaan ka na Sophia?

260 3 0
                                    

Gian's POV

Di ako umalis kung saan ko inihatid si Pia hangga't di ko siya nakikita na okay. Nararamdaman ko kase na parang di siya okay. Parang may something na ayaw niya lang sabihin sa iba.

While waiting for her, binuksan ko yung radio, para naman hindi boring. Pero habang naghahanap ako ng channel na may magandang kanta, nakita ko si Pia na lumabas na.

Hindi niya alam na hinintay ko siya, nahalata ko na parang umiiyak siya, kaya sinundan ko siya habang naglalakad siya papalayo sa place kung saan nandoon si Finn. Wala akong idea kung bakit ganon, kung bakit hindi niya kasama si Finn pababa.

Nag-abang siya ng taxi, pero walang humihinto dahil halos lahat may sakay.

Di ko alam kung lalapitan ko siya, baka kase magalit siya lalo na kapag nalaman niyang andito pa din ako.

Kaya ang ginawa ko, nag-park na lang ako sa malayo sa kanya pero tanaw ko pa din siya.

Habang patagal ng patagal, lumalalim ang gabi. Wala pa ding taxi ang humihinto para sa kanya, di na ako makatiis, tinawagan ko siya,

"Pia... Andiyan ka pa ba?"

"huuuh?" halata ko sa boses niya na umiiyak siya pero pinipigilan niya lang dahil kausap ako, "oo..."

"ano? Ahh. Tapos ka na ba jan? Sunduin na kita?"

"sun... sunduin? bakit?"

"andito pa din naman ako malapit sa pinagbabaan ko sayo..."

"ahhh.. Di na.. No need. I'm... I'm fine..."

"sure?"

"oo.."

"bakit parang... Umiiyak ka?"

"HUH?" nagulat siya, at tumingin siya sa paligid, ako naman si tago, binaba ko muna yung sandalan ng upuan ng sasakyan ko, para makahiga at makatago,

"halata ko kase sa boses mo e,"

"hind.. hinde ahhh. Sige na.. Busy pa ako e..."

"okay. Basta kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako okaaay?"

"oo sige.. Salamat..." binaba na niya agad,

Nakita ko, na nung pagkababa niya ng phone, umiyak na lang siyang bigla at umupo na lang sa tabi.

Naaawa ako sa kanya, ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya kahit na wala akong alam kung ano ba talaga ang nangyare. Dapat ko ng mapuntahan si Charlene para malaman na din niya ang nangyari.

Pagkapunta ko sa bahay nila Charlene, nakapatay na ang mga ilaw, mukhang tulog na ata sila. Nakakahiya naman kung tatawagan ko pa siya para lang bumaba siya. Kaya aalis na lang ako. Malamang bukas magiging ok na din ang lahat para kay Pia.

--

Habang naghihintay ako sa first class namin, hinihintay ko din dumating si Pia.

Asan na kaya yun? Magta-time na o...

Tingin ako ng tingin sa oras. Pati sa pintuan. Dahil gusto ko sana umabot siya sa first class namin. Sana wag niyang idamay ang studies niya sa kung anong personal problem niya.

After 15 mins...

Wala pa din si Pia. Tinawag na yung pangalan niya para sa attendance pero wala pa din. Nag-aalala na ako, ng biglang tumabi sa akin si Valentine,

"ooh? Loner ka ata diyan? Asan na yung best friend mo?"

"wala pa,"

"ahh.. Too bad. Malapit pa naman na ang audition para sa isang play for Romeo and Juliet... I heard na gusto niyang sumali don sa audition na yun kaso, paano naman siya makukuha diba? She's too fat."

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon