Bea's POV
Di makapaniwala si Charlene na ako yung best friend niyang tabachoy noon. Kinurot kurot niya yung pisngi ko habang nanlalaki pa din yung mga mata niya,
"HONDO NGOOOO?!" sabi niya sa akin,
kurot sa pisngi, kurot sa leeg, kurot sa braso, kurot ulit sa pisngi...
"bakit, nag iba yung ichura mo?" tanong niya sa akin,
Natawa ako, "nag iba ba?"
"OO! IKAW BA TALAGA YAN?! PAANO?!"
"tabs.. Tabs. RE-LAX! Inhale... Exhale..... Inhale... Exhale...." habang sinasabi ko yun, ginagawa din naman niya, "yan. Relax ka lang ha?"
"EEEH PANO NGA KASE! PAANO KA NAGPAPAYAT NG GANYAN!? 4 YEARS MONG PINAGHIRAPAN YAN?"
Tumitinis na naman ang boses niya,"sssh! Wag kang maingay. Tinitignan tayo ng mga tao dito o,"
"SAGUTIN MO NA KASE!"
"oo! 4 years kong pinaghirapan lahat to... okay? Kaya kumalma ka na diyan!"
Pumikit siya at umupo na ng maayos, inayos niya yung damit niya at nagmulat muli ng mata, kinuha niya yung mocha frap niya at sumipsip ulit, hinihintay ko siyang magsalita,
"sige... Sige... Para maka-sure ako na ikaw nga si Sophia, tatanungin kita about sa akin. Okay?"
"okay! Game ako jan!"
Kala niya masisindak niya ako sa ganito ah? Di niya alam naaalala ko lahat-lahat!
"sige... hmm... sino ang first kiss ko at saan?"
"first kiss mo ay si Paolo, at sa kili kili ka niya hinalikan!!!"
napatingin yung mga tao sa sinabe ko,
"huyy! ano ba?" pabulong niya sa akin sinabe,
"o? Bakit? Diba gusto mo to?"
"oo na! OO NA!"
"yun lang ba tanong mo? baka gusto mo pang dagdagan para maniwala ka na,"
"HINDE NA! Naniniwala na ako na ikaw yan!"
"e tabs, bakit nga ba sa kili kili ka niya hinalikan?"
"eeeeh ahhhh. Kase... gusto nia lang... trip niya..."
Natawa na lang akong bigla. Kasi sa dinami-dami na pwedeng halikan sa kanya bat yung kili kili niya pa?!
"kwento mo nga sa akin tabs ano ba talaga ang nangyare?! Paano ka naging ganyan?! Sino pa nakakaalam na ikaw yan?"
"ikaw at yung parents ko..."
"oh? alam nila tita at tito na nandito ka? Bat di nila sinasabi sa akin?! Buti di ka pinapauwi?"
"hindi naman nila alam kung asan ako e. Basta alam nila, payat na ako. Saka bat nila sasabihin sayo edi nalaman na ng lahat nuon pa kung sinabi nila sayo."
"eeeh.. Paano yung pag-aaral mo non? nag-stop ka na talaga?"
"hindi... home study ako."
"ahhh... Grabe tabs. Antagal mong nawala! Andaming nangyare nung nawala ka!"
"ohh? Bakit? Kayo na ba ni Josh?!"
"OYYY! TABS! DON'T SAY BAD WORDS! NEEEEVEEERRRR!"
"wushuuu! Never talaga?"
"oo! OO! Teka, un nga, alam mo ba na may girlfriend na si Finn?"
Biglang nagbago ang mukha ko.... Finn... Oo si Finn yung gagong yun, "oh tapos?" parang nawalan ako ng gana nung narinig ko yung pangalan niya,
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Ficção AdolescenteKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...