Gian's POV
Last day ng paghahanap namin kay Pia, pero 'till now, wala pa din, di pa din namin siya nakikita.
Nagpatulong na ako kay Josh, dahil yung tatay niya ay may koneksyon sa mga nag-iimbestiga ng kung anu-ano.
"wala pa din ba Josh?"
"wala pa din e,"
"pagkatapos ng paghahanap na to, wag mo na kong pipigilan Charlene. Sasabihin ko na sa magulang ni Pia na nawawala talaga siya,"
"ako na ngang bahala! Wag ka na kaseng umepal sa plano ko. Ako ang bahala..." sigaw ni Charlene sa akin,
"panong ikaw ang bahala?"
--
"TITA!!!!!!!! NAWAWALA PO SI SOPHIA!!!! O-M-GEEEE!!!!"
Nagwawala na si Charlene sa bahay nila Pia.
Ito ba yung plano niya? Ang magwala?!
Sa buong araw kasi na ito, di pa din namin nahahanap si Sophia Perez. Yung taong di ko alam kung ano ba ang ginawa sa akin at nagkakaganito ako.
"calm down iha... Calm down...." sabi ng mommy ni Pia,
Buti pa yung mommy ni Pia kalmado lang, samantalang 'tong best friend niyang aaning-aning, nagda-drama na dito. Napaka OA nga lang,
"TITA I'M REALLY REALLY SORRY KUNG PINABAYAAN KO SI SOPHIA! DI KO NAMAN... DI KO NAMAN PO SINASADYA NA MAGLAYAS SIYA NG GANON. PAGKA GISING KO NA LANG PO, WALA NA PO SIYA SA TABI KO!"
Nakakahiya man tong ginagawa ni Charlene pero mukhang effective. Hinihintay ko kaseng magalit yung mommy ni Pia sa amin, pero hindi naman nagalit,
"relax.. Umuwi na kayo at magpahinga, kami ng bahala sa anak namin okay? Babalitaan ko na lang kayo about Sophia okay? Relax lang Charlene. Relax lang..."
"sure ka po tita?"
"oo, sige na. Umuwi na kayo. Matulog kayo at magpahinga, alam ko wala pa kayong tulog. Sige na..."
--
Nung papalabas na kami ng gate,
"okay ba yung ginawa ko?"
"ang OA mo pala?" sabi ni Josh,
"HOY! ANG KAPAL NG MUKHA MO! PASALAMAT NGA KAYO SA AKIN NANIWALA SI TITA!"
"e sino bang di maniniwala don? Miski ako, kakalma din ako kung makita ko na nagwawala ka, muka ka kayang tanga," sabi ni Josh kay Charlene,
"ANONG BANG PROBLEMA MO HA?!"
Susugurin na sana ni Charlene si Josh pero hinawakan ni Josh yung ulo ni Charlene para di na siya makalapit pa ng husto kay Josh,
"ang daya mo talagang bading ka!!!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Di mo ko kayang abutin, ang liit mo kaya,"
Suntok pa din ng suntok si Charlene pero di naman niya naabot yung katawan ni Josh, tanging yung kamay na lang ni Josh ang kinukurot kurot ni Charlene para lang makaganti.
"ITIGIL NIYO NA NGA YAN..."
Napalingon kami,
Si KD yung kapatid ni Pia yung nagsalita,
"kanina ka pa dito?" sabi ni Charlene,
"oo... pinakikinggan ko nga kayo e..."
"anong narinig mo?" tanong naman ni Josh,
"lahat..."
"yaan niyo na yan Josh, Charlene..." sabi ko na lang,
"di niyo mahahanap si ate... magaling magtago yun e..."
Napahinto ako sa paglalakad nung narinig ko yung sinabe ni KD.
"anong sabi mo?" lumapit ako kay KD,
"sabi ko, di niyo siya mahahanap... kase magaling siyang magtago,"
"magtago? Bat siya magtatgo?"
"ewan ko. Basta di niyo siya mahahanap"
"Kidi! Kidi!" sigaw ng nag-aalaga kay KD,
Bigla ng tumakbo si KD kasi tinawag na siya ng yaya niya,
Magaling magtago? Naguguluhan ako sa sinabe ni KD na yun, ano bang alam nitong bata na ito? Mahirap kaseng hanapin yung taong ayaw talagang magpakita, sadya ba talagang nagtatago si Pia?
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Fiksi RemajaKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...