CHAPTER 64

109 3 0
                                    

Bea's POV

After 1 month, 3 days na lang at concert ko na. Medyo kinakabahan ako. Kasi ito na yun eh. Nakakatuwa naman at madaming tao. Samantalang sila Gian, nag-p-promote na sila ng album nila. Sana kumanta na din sila dito para talagang makapag-promote sila.

"Tabs? Ready ka na ba?" Tanong sa akin ng best friend kong kahit anong mangyari, nandiyan pa din siya sa tabi ko,

"Oo naman,"

"E bakit namumutla ka?"

"Sa pagod to, kulang talaga ko sa tulog. Kelangan ko ng matulog,"

"Tumawag nga pala sila tita kanina sa akin, at ang sabi, hindi daw sila pinapunta ni sir Didi,"

"Ha? Bakit daw?"

"Nag-iingat lang daw,"

"Aah sayang sila mommy," bigla akong nalungkot. First concert ko tapos ganito pa wala man lang yung isa sa importante sa buhay ko.

"Tabs, sigurado ka bang ok ka lang?"

"Oo naman, bakit?"

"Siguro dapat, after the concert, mag bakasyon ka muna,"

"Ba't nga?"

"Exhausted na exhausted ang itsura mo eh,"

"Kaya ko pa naman, sige na tabs, matutulog muna ko ha?" Umakyat na muna ako at hinahatak na ko ng kama.

-

"Morning Bea," sino yun? Bigla niyang binuksan yung kurtina at nasilaw ako sa sobrang liwanag, "gising na Bea, meron pa tayong pupuntahan,"

Nang nakapag adjust na yung mata ko, si Gian lang pala 'to. Di ko talaga nakilala yung boses niya dahil sa sobrang antok ko talaga,

"Gusto ko pang matulog Gian. 5 minutes pa," nagtakip ako ng kumot pero hinatak pa din ito ni Gian,

"Tara na! 10:00 na kaya! Maligo ka na at kumain na tayo tapos saka tayo aalis,"

"Saan na naman ba tayo pupunta,"

"Basta nga. Sure ako dun mare-relax ka,"

"5 minutes nga, tas babangon na ako,"

Nilapitan na ako ni Gian at pinabangon na niya talaga ako, "kung di ka pa babangon, ako na magpapaligo sayo,"

Biglang bangon ako, "sabi ko nga maliligo na ko diba?! Ito na! Ito naaaa!"

-

"Saan na naman ba tayo pupunta?"

"Basta nga, mag relax ka lang diyan,"

"Mamaya kasi may practice ako para sa concert,"

"Masyado mo naman kasing iniisip yang concert na yan, nagpaalam na ko kay sir Didi,"

"Pumayag naman ba?"

"Hindi," bigla siyang ngumiti,

"Pasaway ka Gian! Mapapagalitan tayo niyan eh,"

"Isang pagalit lang naman, ok na yun, ang importante makapag relax ka bago ang concert mo,"

Di na ko pumalag. Nakakapagod din makipagtalo sa kanya. Mabuti pa, matutulog na lang muna ako. Dito na lang ako matutulog habang nasa byahe.

-

Naramdaman ko na huminto na yung sasakyan at kusang nagising naman ako, "andito na ba tayo?"

"Gigisingin pa lang kita eh, oo andito na tayo,"

Pagkababa ko sa sasakyan isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Yung parang bahay kubo pero pinalaki lang, "san na ba tayo?"

"Andito na tayo sa bahay ng tito't tita ko," biglang lumabas yung tito't tita ni Gian. Ang cute nilang tignan. Magka-holding hands talaga sila habang naglalakad.

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon