Bea's POV
Nagkakasagutan na kami ni Gian, di ko kasi alam kung ano bang problema niya.
Lumapit sa amin si Liam at gumitna sa aming dalawa ni Gian,
"Bea, pasensya ka na dito kay Gian, meron lang yang problema, sige na kung gusto niyong umuwi, di namin kayo pipigilan, pero sigurado ba kayo na kaya niyong umuwi sa gantong oras?"
"oo kaya ko naman, yan lang kaibigan mo napaka OA!" sabi ko,
Napa "tss" si Gian at halos bwisit na bwisit sa akin, alam ko naman bwisit siya sa akin, at di ko alam kung bakit kami ganito ngayon.
"sige na Bea, iuwi mo na si Charlene muna sa inyo," sabi ni Liam sa akin,
lalapit na sana ako kay Charlene ng biglang lumapit sa akin si Gian at niyakap ako, alam ko kasi kami yung medyo lasing at hindi siya yung lasing, pero bakit niya ako niyakap?
"Gian?"
"ssshhh... Hayaan mo lang ako na ganito,"
nakayakap pa din sa akin si Gian at habang naka-akap pa din siya sa akin, tinignan ko si Liam, at kahit hindi ako nagsasalita, alam niya na nagtatanong ako, siguro 1 minute din ang tinagal ng pagkakayakap sa akin ni Gian, naawa naman ako. Kasi pagkatingin ko sa ichura niya, halata mo na meron siyang problema.
Umalis na si Gian at umakyat na sa kwarto niya, balak ko sanang sundan kaso nagdadalawang isip ako. Umupo muna ako saglit, nag-iisip kung anong magandang gawin. Feeling ko naman, ayos lang naman kung dito na lang kami matulog ni Charlene, kaso wala kaming mga pamalit na damit, bahala na nga!
Tumayo ako at di na sila nagtanong kung saan ako pupunta. Dumirecho na ako sa taas para puntahan si Gian, napahinto ako. Di ko kase alam kung saan ang kwarto ni Gian, kaya ang ginawa ko, tinawag ko na lang yung pangalan niya,
"Gian? Gian?"
Walang sumasagot, tinawag ko ulit ang pangalan niya at this time, wala pa ding sagot.
Wala akong magagawa kung hindi ang buksan ang bawat pintuan. 4 lang naman ang pintuan e, kaya madali lang siyang hanapin, wag lang siyang magtatago.
Unang pintuan sa bandang kaliwa ang binuksan ko,pero wala siya dito. Music room pala yun, kase andon yung mga instrumento na alam niyang tugtugin.
Pangalawang pintuan katabi nung unang pintuan, wala pa din siya, CR kasi yun.
Pangatlong pintuan na katapat nung pangalawang pinto na binuksan ko, wala pa din siya doon, isang maliit na kwarto lang naman yun, parang guest room. Single bed lang ang laman at isang cabinet.
Wow ha? Kumpleto talaga dapat yung bahay niya?
Malamang naman andito na siya sa panghuling pintuan. Kung ito pala ang unang binuksan ko , edi sana, di na ako nahirapan pa sa kakahanap sa kanya, ang tanga ko din talaga.
Kumatok muna ako, kasi alam ko, nandito siya sa kwarto na to. Pwede kasing naka-lock, or pwedeng ayaw niya talagang papaistorbo, hindi siya nagbukas. So meaning, ayaw niya talagang paistorbo.
Okay. Madali naman akong kausap, edi aalis na lang ako, at uuwi na lang. Buti naman at makakauwi kami, habang papalayo na ako sa kwarto niya, narinig ko na nagbukas yung pintuan, napatigil ako kase akala ko lalabas siya.
Hinihintay ko na may lumapit sa akin pero wala naman pala. Napabalik agad ako sa kwarto niya at sinilip ko muna siya,
"pumasok ka na..."
nagulat ako. Kasi di ko alam kung saan nanggaling yung boses na yun dahil wala naman siya don sa loob ng kwarto niya.
Fairnes malinis ang kwarto niya. Napakalinis.
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...