CHAPTER 39 - Accident

197 3 2
                                    

Bea's POV

Sorry Gian pero I need to do this. Magtampo ka na kung magtatampo ka pero maiintindihan mo din 'to someday.

Habang nasa sasakyan ako ni Finn. Tahimik lang ako. Hindi ako nagsasalita kasi wala naman akong masabi. Ano ba kasing ginagawa mo Bea. Bigla bigla ka naman kasi.

"are you ok?" finally! Nagsalita din siya,

"oo naman,"

"you sure? Hindi ka ba tipsy or something?"

"medyo tipsy pero ok naman ako, kaya pa,"

"gusto mo munang mag coffee?"

"hm, sige," pumayag na ko, kasi baka di na naman 'to tumigil

--

Nag-stop muna kami sa 7/11. At bumili muna ako ng kape. After ko magbayad, sumenyas sa akin si Finn na umupo daw muna kami.

Pagka upo ko, uminom na agad ako ng kape, speechless kasi ako.

"alam mo ba, may naaalala ako sayo kaya ganito ako,"

"ha?" ba't bigla siyang nag-o-open up sa akin?

"sabi ko may naaalala ako sayo,"

"sino naman?" tanong ko, nako. Nakikilala na ba niya ako?

"yung naging girlfriend ko dati,"

"oh? Ba't naman?"

"bigla na lang nawala yun eh. Alam ko kasi, mahilig din kumanta yun, tulad mo,"

O tapos? Ano ngayon? Ano naman e niloko mo na nga ako diba? Ano, nakokonsensya ka na ngayon? Ayoko ng marinig pa yung drama niya "tara na," inaya ko na siya agad,

"tapos ka na ba?"

"hindi pa, sa sasakyan na lang,"

"sige," tumayo na siya at ako, buti na lang tumigil na din kung hindi baka layasan ko siya.

--

Medyo napipikit si Finn habang nag-ddrive,

"Huy Finn! Gising aba!"

"gising naman ako,"

"napipikit ka na kaya kanina,"

"hindi nga sabi,"

"ako muna mag-drive,"

"ang kulit lang Bea? Ako na nga, kaya ko naman,"

"ewan ko sayo Finn," hindi na siya sumagot. Pero kinakabahan ako talaga. Kasi napipikit na talaga siya. Nawala na yung tama ng alak sa akin dahil dito kay Finn.

"may kinukwento ako sayo kanina diba?"

"meron ba? Wala ah," nako naman ibabalik pa niya yung topic kanina,

"meron yung tungkol sa naaalala ko sayo yung dating girlfriend ko,"

"magmaneho ka na lang diyan Finn," biglang sumimangot yung mukha ko,

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon