CHAPTER 52 - Done

130 2 5
                                    

Bea's POV

Bumilis yung tibok ng puso ko, "haaa?" nanlaki ang mga mata ko,

"alam ko... alam ko... mali... pero, di ko na matiis na hindi sabihin sayo," nakayuko lang siya habang sinasabi niya ito sa akin, di ako nakagalaw o nakakibo man lang, nahihiya ako pero gusto kong magsalita. Ano bang sasabihin ko?

Tapos nagsalita siya ulit, "di naman ako umaasa na magugustuhan mo din ako, pero sana, wag mo akong pigilan sa nararamdaman ko na ito Bea, dinala kita dito kasi, kasi dto ako madalas magpunta tuwing nalulungkot ako, tuwing gusto kong mapagisa," tumigil siya sa pagsasalita, ang tanging naririnig ko lang e yung hangin sa labas at yung hinga naming dalawa. Nakoooo pano ba ito?!

Naglakad ako dahan-dahan papunta sa kanya, dahil natatakot talaga ako dito sa treehouse na to, parang anytime, magigiba. At lumayo kasi siya sa akin agad nung pagkasabi nga niya na gusto niya daw ako.

Nang malapit na ako sa kanya, na-out of balance ako, kaso, bigla akong sinalo ni Gian. Bumilis lalo yung tibok ng puso ko dahil feeling ko talaga malalaglag ako.

Nagkatinginan kaming dalawa, sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, gusto ko ng maalis yung mata ko sa mata niya pero parang di ko naman maiwasan na di talaga tumingin sa kanya. Ang ganda pala ng mata ni Gian, ngayon ko lang siya natitigan ng ganito.

Di ko na namamalayan na lumalapit na yung mukha sakin ni Gian, pero di ko naman siya pinipigilan, hoy Bea, gumising ka nga, kaibigan mo yan si Gian, di mo siya pwedeng itake for granted, sabi ng utak ko, pero di ko talaga mapigilan.

Biglang naglapat yung labi nia sa labi ko na naman. Pangalawang beses na 'to. At ako tong si tanga, di ako gumagalaw. Steady lang talaga ako. Tapos para nga akong nanigas na bangkay. Dahil naghahalo pa din yung gulat ko at kaba.

Habang patagal ng patagal, nakagat ko na sa labi si Gian, "ayy sorry," sabi ko, tanga ko kasi. Sa buong buhay ko, si Gian lang talaga yung matagal na nakahalikan ko.

"di okay lang," tapos tinuloy niya ulit ang paghalik niya sa akin, pumikit lang ulit ako at tuluyan ko na din talaga siyang hinalikan. Di ko maintindihan yung nararamdaman ko kung gusto ko na din ba siya o nagustuhan ko lang yung feeling na hinahalikan ko siya. Ang landi mo Bea! Kaibigan mo yang hinahalikan mo! Yan ang sinisigaw ng utak ko, sa una, parang natauhan ako, pero sa bandang huli? Di ko na din ito pinakinggan.

Pagkatapos naming gawin "yun" , lumayo ako sa kanya ng konti, pero konti lang kasi natatakot akong gumalaw,

"sorry nabigla ata kita," sabi niya sa akin, medyo namumula siya, mukhang nahiya sa ginawa niya, tapos nagsalita ulit siya, "sorry talaga Bea, ayokong matakot ka sa akin or lumayo ka sa akin, sabihin mo lang kung gusto mo ng umalis dito,"

nabuhayan ako ng dugo, "tara alis na tayo,"

--

Pagkababa namin sa treehouse, nakahinga na ako ng maluwag. Ayan, makakapagisip at makakapag salita na ako ng maayos. Siguro kaya ko lang nagawa "yun" e dahil wala ako sa katinuan sa taas kanina. May something naman diyan sa punong iyan, baka... kaya niya ako dinala jan e para magawa niya lahat ng gusto niya?!

Ano ba itong pinagiisip ko. Parang ewan lang. Ito napapala ko sa kakapanood ng mga horror movies e. Nagiging advance tuloy yung utak ko sa mga mangyayari.

Habang naglalakad na kami papuntang sasakyan niya, nagsalita na ako. Okay na ako e, di na ako shock sa nangyari, nakapag move on na din ako sa wakas, "ano pala meron diyan sa treehouse na yan? Ano pang ginagawa mo jan maliban sa tumambay?" tanong ko, para malaman ko din talaga yung totoo, mamaya totoo na pala yung iniisip ko diba?

"yang treehouse na yan ang tanging alaala kasi ng lolo ko sa akin,"

"ahhh, binigay sayo yan ng lolo mo?"

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon