CHAPTER 24 - Concern si Gian

217 1 0
                                    

Charlene's POV

Sa sobrang busy ko sa pag-aaral, di ko na napapansin na di na kami nakakapag bonding nila Gian masyado, after grad kase nagtuloy ako sa course na Law, kaya eto busy na talaga,

habang gumagawa ako ng Thesis ko, tumawag bigla si Gian sa akin, aba himala, napatawag ang loko sa akin,

"o ano na? Alaala ka na lang ba?"

Napatawa ako sa sinabe ni Gian na yun, "hindi naman sa ganon, may thesis kase kami," sabi ko

"thesis? Kala ko nga nagtatrabaho ka na, musta ka na?"

"eto ayos lang naman ako medyo busy talaga kase mag-eexams na, ikaw? Musta pagbabanda niyo? Musta silang lahat?"

"ayos lang naman, asa training pa naman kami kaya medyo busy din, tutok na tutok sila sa amin dahil nga kami yung unang bandang ilalabas nila,"

"aaahhh..." wala na akong masabe gusto ko sanang magtanong pa pero wala naman ng dapat itanong,

"pinapakamusta ka nga pala ni... Ish?"

Ayan na nga ba ang sinasabe ko e. Yung pangalan na yan ang nakakasira ng pagkatao ko. Nadedemonyo ako kapag naririnig ko pangalan niyang babae na yan,

"ahh. Paki sabi ayos lang naman ako..."

"Charlene, kung meron man kayong di pagkakaintindihan ni Ish noon, pede bang ayusin nio na? Kase parehas ko kayong mahal..."

Mahal daw? Di lang niya alam kung ano ang totoong ugali niyang babaeng yan. Pag nalaman nia kaya yun, matuwa pa kaya siya?

"wala yun," yun na lang ang nasabe ko,

Napaka bitter ko ba? Siguro nga bitter ako, best friend ko kase yung issue dito e. Although wala akong idea kung asan talaga ang best friend ko, ipaglalaban ko pa din yun kahit na ganon ang sitwasyon,

"minsan punta ka dito GLR,"

"sige kapag may time na ako,"

"ayyy. Di na pala ako malakas ngayon sayo Charlene?"

Kahit kelan talaga tong si Gian kapag gumaganyan siya di ko maiwasan na hindi tumanggi. Kasi naman, ako din kasi pag may favor sa kanya ginaganyan ko din siya.

"oo na! Oo na! Kelan ba?"

"kung gusto mo ngayon na?" sabay tawa siya,

"hindi pwede ngayon baka bukas. Salubungin mo ko diyan wala akong alam diyan,"

"oo ako bahala sayo..."

Ano na naman kaya ang gagawin ko kase don. Kung di ko lang talaga kaibigan tong si Gian malamang, di na to umubra sa akin.

HAHAHAHAHA. Pero chos lang yun

--

Tinawagan ko na si Gian para sabihin na andito na ako sa lobby.

Buti nga pwede akong pumasok dito kase siempre madaming artista o di kaya sikat na mga singers dito. Bilib din ako sa banda ni Gian e. Sadyang pasikat na pasikat na sila. Konti na lang yan di na ako papansinin ng mga yan,

"CHARLEEEEEEENEEEE!!!"

sigaw ni Gian at ni Josh na papunta sa akin, kung tutuusin nagulat ako sa kinilos nilang dalawa kase patakbo silang papunta sa akin.

Nanibago ako sa ichura ni Gian, pumayat siya at humaba ang buhok. Anong meron sa kanya ngayon?

ANYAREEEE?

Binuhat ako ni Josh at inikot ikot niya ako,

"ibaba mo nga ako!" sabi ko kay Josh sabay palo sa kung saan saan na lang,

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon