Sophia's POV
Dear Diary,
Ok naman ang araw ko. Ang weird lang, kasi, ang saya ko? Walang halong sama ng loob ngayong araw na to wag lang yung nagutom ako at nakain ko yung pagkain ng kaklase kong CUTE! Di ko pa pala siya napakilala sayo. Siya pala si Gian Julio. Napakabait na tao niyan. Well, siguro, di kase ako sanay na hindi nabubully. Pero atlis, ngayon may masasabi na akong isa pang "FRIEND."-Sophia
--
Tumawag sa akin si Charlene at gusto niang maglakad-lakad kami. Buti na lang tapos na ako magsulat sa diary ko. Napaka-ikli lang naman ng sinusulat ko don pero gusto ko kasi matapos ko. Ayokong naiistorbo ako.
Pagka dating ko sa meeting place namin, pinansin ko agad si Charlene,
"ohhh? Anong balita sayo tabs? Bat ang lungkot mo ata?"
"wala... may nabalitaan lang ako..."
"ano naman yung nabalitaan mo?"
"balita ko... MAY BAGO KA NA DAW KAIBIGAN AAH!?!!!"
"SUMISIGAW KA TALAGA?! Seryoso yan?"
"AY HINDEEE! NAPAKAHINHIN KO NGA E!"
"E san mo naman nalaman yung balita na yan?" iba na talaga ichura ko. Kinakabahan na ako na mukang natatae na ata. Basta di ko maexplain kasi galit na galit si Charlene sa akin. Di naman kasi nagagalit sa akin ng ganito eto.
"WALA KA NA DON!"
"this is so unfair! Bat naman ganon?!" swear! Di na maipinta yung mukha ko. Tapos niintay ko yung sagot niya sa akin pero di naman siya nagsasalita. Kinakabahan na talaga ako, "UYY! TABS! MAGSALITA KA NGA!"
Biglang tumawa ng malakas si Charlene. Naguluhan ako. Ay! Ano yun?! Bat siya natawa?! , "oy babae! Bat ka natawa?!"
Tuloy tuloy pa din ang pagtawa niya at palakas ng palakas naman yung pagtawa niya habang tumatagal, "BABAE!!!! You're so meaaaan! Bat ka tumatawa!? Pinagtitripan mo na naman ako eeehhh!!!"
After ilang days sa pagtawa niya, di joke lang, after ilang minuto sa pagtawa niya, nakapagsalita na din siya, "E kase! Kung nakita mo lang ang ichura mo!!!" and she giggles again. Ano ba naman tong tao na ito. First time niya akong pinagtripan nang ganito aaah!?!
"ano ba kase yun?!"
"WALAA! Pinagtitripan lang kita..."
"e bakit?!"
Pinunasan nya muna yung mata niya bago siya nagsalita, "ehh kase.. may nakapagsabe sa akin na kaklase mo na may ka-close ka daw na cute guy sa class niyo. Totoo ba yun?"
Napaisip ako. AAAAH! "si Gian... Oo, nagulat nga ako bakit ganon na lang yung pagtrato niya sa akin"
"ayaw mo non?! Atlis madagdagan na yung friends mo. Diba yun naman ang gusto mo this time?"
"oo nga pero ang weird lang..."
"panong naging weird don? Engot nito.."
"BASTA! Weird."
"ewan ko sayo. i-keep mo na yang friend mo na yan a? Wag mo ng pakawalan para naman hindi lang ako lagi mong kinukulet!"
"ganon?!"
"HAHAHAHA. Joke lang. 'to naman di mabiro... ipakita mo naman siya sa akin bukas. I mean, ipakilala pala..."
"eeeeh. titignan ko.. may utang pa kase ako don..."
"UTANG!!??! PANO KA NAGKAUTANG DON!?!!" alam mo yung nakakabinging boses na sobrang tinis?! Ganon ang naging boses nia.
"wag ka ngang OA! Kase kanina, nagugutom ako tapos dahil sa nakalimutan ko yung wallet ko, di na ako nakabili sa canteen. Tas yun, umakyat na lang ulit ako di na ako bumalik. Tinamad na kase ako, tas bigla siyang dumating, tapos binigyan nia ako ng isang sandwich at tubig. Tas tuwang tuwa naman siya sa akin..."
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Novela JuvenilKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...