Chapter 68 - It's time to heal

27 0 0
                                    

Bea's POV

"Good evening Sophia,"

Nagulat ako sa nakita ko, "what are you doing here?"

"Binibisita lang kita,"

"Bakit?"

"Masama bang bisitihan kita?"

"Wala naman akong sinabi, nagulat lang ako kasi nandito ka,"

"Nabalitaan ko kasi na dumating ka na daw, so I immediately cancel all of my meetings just to see you,"

"Aaahh,"

"Are you still mad at me Sophia?"

"Hindi na masyado,"

"I'm glad hindi na masyado. Cause, I'm gonna win you back Sophia,"

"Finn, tama na. Mag move on na tayo, tapos na eh,"

"Siguro sayo tapos na, pero ako? I'm gonna prove it to you na I'm worth it. Na seryoso ako when it comes to you,"

"Ewan ko sayo Finn. Bahala ka malaki ka na," nilayasan ko na siya at umakyat na ako sa kwarto.

Ito hirap eh, kapag nag-mu-move on ka na, saka sila magpaparamdam sayo. Mga panggulo sa buhay.

-

Nagsimula na ulit akong lumipat sa condo na tinitirhan ko dati. Nagdadalawang isip pa nga ko kung lilipat ba ulit ako ng condo o hindi na. Tinanong ko din si sir kung pwede bang lumipat pero sabi niya, wag na daw. Sobrang lapit ko kay Finn. Anytime pwede niya akong puntahan dito.

Pero dapat di ko muna yun iniisip. Dapat ang isipin ko muna yung sunod sunod kung interview. Malamang yan ang unang unang tanong e tungkol dun sa sikreto ko na matagal kong tinago tago. Nag-iisip na ako ng pwede kong sagutin para wala ng mga follow up questions.

May nag-doorbell. Sana si Tabs or si Gian yan. Pero natatakot kong buksan yung pintuan baka si Finn. Baka kasi, dumating sa point na di ko na naman mapigilan yung nararamdaman ko, bumigay na naman ako.

Pagbukas ko, si Gian pala. Nakahinga din ng maluwag. Napaka dami ko kasing iniisip.

"Oh? May problema ba?" tanong sa akin ni Gian habang papasok siya sa pintuan,

"Ha?"

"Sabi ko kung may problema ba? Para kasing gulat na gulat ka,"

"Ah, wala. Akala ko kasi kung sino na naman,"

"Bakit? May ini-expect ka ba na ibang kakatok dito?"

"Wala naman,"

"Hm? Yung totoo?"

"Gian naman eh,"

"O ano nga? Kilala kita,"

"Eh oo. Balak ko na ngang wag buksan sana,"

"Ba't naman? May silipan naman,"

"Pag sumilip kasi ako, makikita niyo din naman sa labas na sumilip ako. Edi alam na, na may tao,"

"Ok. E sino nga muna yung ini-expect mo?"

"Si Finn," pagkasabi ko pa lang nung pangalan ni Finn, nag-iba na yung itsura ni Gian,

"Ah,"

"Kasi kagabi, pagdating ko, nasa bahay siya,"

"O? Anong ginagawa niya dun?"

"Nangangamusta lang daw,"

"Nagtagal ba siya dun?"

"Hindi naman,"

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon