Charlene's POV
Habang nagiisip lahat kami ng solusyon para mahanap si Sophia, si Valentine naman ay biglang umalis, pero siyempre di ako pumayag,
"HOY VALENTINA!"
Huminto siya at tinignan ako, "VALENTINA?!"
"wag ka ng mag-inarte jan, dahil sayo nawawala si Sophia,"
"pakialam ko naman sa kanya, wag niyo nga akong idinadamay sa mga kaartehan niyo!"
Bwisit to a!? Kaartehan daw!?
Nilapitan ko siya pero di naman ganon kalapit, nagharap lang naman kami, siyempre luge ako kase matangkad siya,
"o? Anong gusto mo?" tanong ni Valentine na nakataas pa ang kilay sakin,
"pag nalaman ko lang na may kinalaman ka sa pagkawala ni Sophia, kahit gano ka pa katangkad, patutumbahin kita!" sabay pumalakpak ako ng isa at umalis na, baka kase mahablot pa nya yung buhok ko edi kawawa na naman ako.
Umalis na lang bigla si Valentine, walang humabol, miski si Finn na manloloko hindi siya hinabol,
"anong balak niyong gawin ngayon? 3 days ko lang kayang itago sa parents ni Sophia na nawawala siya, sasabihin ko lang na nasa amin siya, ano? Payag ba kayo don? 3 days lang, tas hanapin lang natin siya habang alam ng magulang niya na nasa amin siya...."
That awkward moment of silence,
"ano?" tanong ko ulit, "alam niyo kase kung di muna natin hahanapin si Sophia, malaking gulo agad ang mangyayari, kilala ko na yung parents ni Sophia, once na malaman nila na nawawala pala ang anak nila, tayo agad ang pwedeng mapagbintangan. Kase tayo lang naman ang mga kaibigan niya, ano?"
"Fine! 3 days. Payag ako diyan," sabi ni Finn
"Gian?" tanong ko naman kay Gian,
Alam kong ayaw ni Gian na itago muna na nawawala si Sophia, gusto niya kase sabihin agad sa magulang ni Sophia e kaso, di naman pwede.
"Gian, kung kaya pa nating ayusin ang problema, tayo tayo muna ang mag-ayos, wag muna nating ipaalam sa magulang niya, dahil malaking gulo kapag nalaman nila talaga,"
"e yun na nga e, paano kapag di natin siya nahanap? Edi gulo padin kapag sinabe natin na nawawala si Sophia?!"
"E BASTA! Sa ngayon, sa akin muna kayo makinig, once na di natin mahanap si Sophia saka natin sabihin sa parents niya na nawawala siya. Okay?! Wala ng pero pero!"
Ang tigas din kase ng ulo ni Gian, pag to sumuway, magkakagulo talaga.
Malapit ng mag-end ang 1st sem, saka pa kami nagka-problema. Malapit na din ang exams, ngayon pa nawala si Sophia.
Yung babaeng yun talaga oo!
Maya maya pa'y sinundo na ako ni Gian sa classroom, pinagtitinginan tuloy kami ng mga kaklase ko, pero si Gian, wala lang paki, naka-sandal lang siya sa pader at nakapasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya,
parang ang lalim ng iniisip niya,
nakakatakot siyang lapitan dahil hindi talaga siya kumikibo pero malamang nakita niya ako sa gilid ng kanyang mga mata kaya bigla na lang siyang humarap sa akin.
Nagulat ako,
"tara na," sabe niya,
Nagumpisa na siya maglakad at si sunod lang naman ako.
Pagdating namin sa loob ng sasakyan,
"saan natin uumpisahan hanapin si Sophia?"
"tawagan mo si Finn, pupuntahan natin siya..."
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...