CHAPTER 21 - Who is she?

273 2 0
                                    

Gian's POV

Hanggang sa matapos ang ginagawa namin di ko pa din maalis sa isip ko yung babaeng kumakanta na yun, kahit sila Logan napapanganga kapag siya na yung kumakanta.

Pagkalabas namin sa kwarto, di talaga mapigilan ni Logan na itanong kay Manager Didi kung anong pangalan nung babae, kaya kahit naglalakad kami, tanong pa din siya ng tanong,

"Sir! Sir! Anong name nung babae kanina don? Yung laging kumakanta?"

"sino don?"

"yung naka jacket,"

"ahhh. Si Bea yun..."

"Bea? Totoong pangalan niya yun?"

"hindi, nickname lang, pero kilala na siya dito bilang Bea,"

"e anong totoong pangalan niya?"

"bat ba ang kulit mo?"

Sabi na e, makukulitan si Sir Didi kay Logan e.

Sobrang gusto kayang makilala ni Logan yung babae na yun, miski ako gusto ko din siya makilala talaga ng lubusan,

"yaan mo, makakausap niyo din siya dahil pare parehas ko naman kayong talent," sabi ni Sir Didi,

"pero matagal na po ba siya dito?" tanong ko,

"sino? Si Bea? Oo, matagal na matagal na,"

"mga gano po katagal?" tanong ko ulit, pero mukhang nahalata ni Liam na panay ang tanong ko,

"Gian," hinawakan niya ako sa balikat at nahuli na kame sa paglalakad, "ano na naman yan? May problema ba?"

"wala naman, bakit?" patay malisya na lang ako,

"bat tanong ka ng tanong?"

"ha? Kanino?" kunware naguguluhan ako,

"wag ka ng magmaang-maangan Gian, anong meron don sa babae?"

"wala naman,"

"kanina pa kita nahahalata na nakatingin sa kanya, pagka kumakanta siya lagi kang nakatitig sa kanya,"

"par, walang masamang tumingin, lalo pa't magaling naman kumanta. Kahit ikaw..."

"o anong ako?"

"napapatingin din sa kanya,"

"pero di tulad mo... titingin lang ako pero di ko tinititigan,"

"tinititigan ko ba ? Hindi naman ah?"

"Gian, tandaan mo andiyan na si Ish sa buhay mo, wag ka ng magtry ng kung anu-ano pa,"

"tss.. Okay lang ako par. Wag kang mag-alala,"

"siguraduhin mo lang par..."

Hindi ko naman niloloko si Ish ah? Napapatingin lang ako don sa babae kapag kumakanta kase may naaalala ako sa boses niya, para kaseng narinig ko na dati yun, diko lang matandaan kung sino at kelan ko narinig yun.

~

Pagdating ko sa bahay, nagpasya si Liam at Logan na matutulog sila sa bahay, kaya hindi ko muna pinapunta si Ish,

"babe, dito daw matutulog sila Li at Logan e. Okay lang kung di ka muna pumunta?" sabi ko sa kanya via phone call,

"ahh. Sige lang, medyo busy din ako dito sa amin e, dumating kase yung tito ko, basta bukas bawi ka sa akin ha?"

"opo..."

"I love you,"

"I love you too Ish,"

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon