Bea's POV
Ano ba yan, ang ingay! Di ko minumulat ang mga mata ko kasi kapag minulat ko, magigising na ako ng tuluyan. Panaginip ba yung ingay na yun? Sarap pa namang matulog kasi malamig. Napayakap ako ng mahigpit sa unan ko. Pero patuloy pa din ang ingay,
"Bea," may boses pa akong naririnig, halo-halo naman na tong panaginip na 'to, "Bea! Gising!" Ha? Sino ba 'tong mokong na 'to at ginigising na talaga akong tuluyan, sinubukan ko ng imulat ang mga mata ko. Nasilaw pa nga ako sa liwanag ng araw. Nang maka-recover na yung mata ko, nakita ko si Gian na nasa harapan ko. Napatayo ako agad.
"Kanina pa may nag-do-doorbell," ika niya sa akin,
"Ba't di mo binuksan?"
"Nakayakap ka kaya sa akin ng mahigpit, paano ako tatayo?"
"Eh?! Ibig sabihin... Kaga... Kagabi pa tayo..."
Pinutol niya ang pagsasalita ko, "oo, kagabi pa tayo magkatabi," may nag-doorbell ulit, "ako na magbubukas,"
Tumayo na siya at dumirecho na sa pintuan. At ako naman, dumirecho sa CR. Umihi muna ako at naghilamos tas nag-toothbrush na din. Siguro naka limang minuto ako sa loob ng banyo. Pagkalabas ko ng banyo, parang ang tahimik, "Gian, sino yung nag-doorbell?" Hindi naman sumasagot si Gian. Asan na kaya yun? Pag punta ko sa sala,
"Finn?" yun na lang ang lumabas na word sa bibig ko, nagulat naman kasi ako sa pagdating niya, "an... Andito ka na pala? Ehe,"
Pero di kumikibo si Finn at nakatingin lang siya ng masama kay Gian na nakaupo lang sa sofa na parang walang pake sa nangyayari,
"Aka... Akala ko... 2 weeks ka sa Hong Kong?" tanong ko na may kasamang kaba,
"Sabi ko naman sayo, pipilitin kong di tumagal ng ganun ang pag-stay ko dun?" bigla siyang tumingin sa akin ng masama,
"Ah oo nga pala, gusto mo na bang kumain?"
"Kayo lang dalawa ang nandito buong gabi?!" medyo sumisigaw na siya, at papalapit na kay Gian,
Hinila ko siya papalayo kay Gian, "nakatulog lang siya dito, pero dapat... Uuwi din siya,"
"Kaya pala ang tagal mong buksan yung pintuan,"
"Kagigising ko lang, ano ka ba naman Finn,"
"Kagigising o katatapos niyo lang?" Nagulat ako sa sinabi niya at sinampal ko siya ng malakas,
"Gago ka din ano? Kung ayaw mo maniwala, hindi kita pinipilit. Masyado yang bibig mo kung magsalita, ganun na ba tingin mo sa akin ha?! Umalis ka na dito,"
"At ako pa talaga papaalisin mo?! Imbis na paalisin mo dito yang lalakeng yan!"
"Sabi ko, umalis ka na dito!!!"
"I can't believe this!" Umalis na siya at padabog niyang sinarado yung pintuan. Napaluha ako ng kaunti. Pero naisip ko, ganito din yung nangyari noon. Sa kanilang dalawa ni Valentine. Ang pinagkaiba lang namin, walang nangyari sa amin ni Gian. Sila ni Valentine, meron.
Lumapit sa akin si Gian, "aalis muna ako, kelangan mo ata mapag-isa,"
"Ha?" Pinupunasan ko pa din ang mga luha na tumutulo sa mata ko, "di, ayos lang naman ako. Mas gusto ko na nandito ka,"
"Sigurado ka? Baka lalong lumala pag-aaway niyong dalawa,"
"Yaan mo siya, OA lang yun," sabi ko na lang. Mas gusto ko na nandito siya. Para may kausap na din.
Gian's POV
Hindi naman ako pwedeng makialam sa kanilang dalawa kanina dahil usapan nilang mag-ka-relasyon yun. At wala naman akong karapatan makialam.
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Teen FictionKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...