Ish's POV
Dumating na si Gian. Tumayo ako sa higaan at pinuntahan ko siya para salubungin, pero parang di ko maintindihan yung ichura niya,
"hi babe?" kiss sabay hug, "pagod ka ata,"
"oo babe, pagod nga. Ang dami naming ginawa ngayon e, kanina ka pa ba?"
"oo mga 5 pa ako nandito e, nakapagluto na din ako, gusto mo bang kumaen? Ipaghahanda na kita,"
"hindi na muna, gusto ko munang matulog," hinalikan niya ako sa noo at dumirecho na siya sa loob ng kwarto.
Haaaays. Lagi na lang siyang walang oras sa akin. Nung nag-aaral pa naman siya di naman siya ganyan, kahit nga may exam siya talagang may oras siya na puntahan ako sa dorm ko. Tapos ngayon naman na sobrang libre na ng oras naming dalawa, bat ngayon pa siya nawalan ng time para sa akin?
--
Pag gising ko, wala na siya sa tabi ko.
Ano pa ang pinunta ko dito sa bahay niya kung di man lang kami nagkausap ng maayos? Pinayagan ko na nga siyang matulog ng maaga e, tapos ngayong paggising ko wala pa din siya?
Nag-ring ang phone ko, malamang si Gian to,
"hello?" kalma lang,
"babe, sorry talaga, kase kelangan kong magising ng maaga, di ko na nasabi sayo kagabi dahil pagod na pagod e, galit ka ba sa akin?"
Medyo napapaiyak na ako, kase bat ganito? Bat ganito ang nangyayari ngayon?
"haaa?" pinipilit kung di niya marinig na napapaluha na ako, "o..okay lang yun babe, si-sige na.. baka busy ka pa..." binaba ko na yung phone at nagsimula ng tumulo ang luha ko sa mga mata ko.
Bakit parang ang sakit sakit? Siguro nasanay lang ako na lahat ng oras niya noon e nasa sa akin, tas ngayon? Parang nawala na lang lahat. Ewan ko ba.
Naisip ko, pwede ko naman siyang silipin lang kahit sandali diba? Sobrang namimiss ko na kase talaga siya, sobra. Maliligo na ako para mapuntahan ko siya ng maaga at ng makauwi din ako ng maaga.
--
Naging desidido na ako, talagang pupuntahan ko siya, para naman makita ko siya kahit sa trabaho lang. Mamaya ko na siya itetext pag asa baba na ako ng building kung nasaan siya. Baka kase magalit siya sa akin e.
Nakababa na ako ng taxi, ng biglang may nakasanggi sa akin, isang babae,
"sorry, sorry po miss..." sabi niya sa akin habang tinutulungan niya akong ilagay sa bag ko lahat ng gamit na natapon, di kase nakasarado yung bag ko dahil kakabayad ko lang sa taxi,
"okay lang.. Okay lang..."
"pasensya ka na talaga ha? Di ko naman sinasadya, nagmamadali kase talaga ako, sure ka ok ka lang?"
"oo okay lang ako, sige na... Mauna ka na kung nagmamadali ka,"
"o sige salamat haaa? Sorry talaga ulit," tumakbo na siya papunta don sa Gold Label Records. Ay, don din pala siya pupunta. Ano kaya siya don? Feeling ko singer yan. Maganda kase saka mukhang artistahan talaga. Nakoo. Ang dami na namang pumapasok sa utak ko. Pero hindi. Hindi magagawa sa akin ni Gian ang ipagpalit ako. Hindi talaga.
Pagka pasok ko palang sa loob ng building, namangha ako sa ganda. Ang laki ng loob. Tapos mukhang busy na busy ang mga tao. Siguro nga talaga busy palagi din si Gian. Papunta na sana ako don sa receptionist, ng biglang narinig ko na may kumalabog,
lahat ng tao napatigil sa mga ginagawa nila at hinanap kung saan nagmula yung kalabog na yun, pati ako napahanap din.
Nakita ko si Gian, tapos meron pang babae sa lapag. Sino naman kaya yun?
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Ficção AdolescenteKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...