CHAPTER 1

1.6K 27 14
                                    

Hi guys! Newbie here. Pa-support naman po itong story ko. Pero pagpasensyahan nio na po kung ongoing siya. HEHE. Pero I'll keep you posted talaga once nagustuhan niyo. MARAMING SALAMAT po sa support ^_^

Please VOTE and COMMENT po !



xoxo,

--

Sophia's POV

Paano ko ba uumpisahan ito? Excited na ako sa pasukan. I can't wait! College na ako. Nakatapos ako. Akala ko di ako makakapasa. Pero this time, gagalingan ko na talaga. Kailangan kong makatapos for my future. For my career. JOKE! Naaks! Parang totoo. Pero this is it. Welcome to the new world Sophia. Ibang yugto na naman ito ng iyong buhay. Kaya mo yan! I know you can do it.....

KNOCK! KNOCK!

"Sophia? Sophia?"

Okay. Kumakatok na naman si mommy. Err! Tumayo na ako sa higaan ko. At binuksan ko agad yung pintuan, "WHAT MOM?!"

"ikaw ba ang umubos netong ice cream?!" nanlilisik na yung mata ni Mommy sa akin habang hawak niya yung ubos na ubos na Selecta Overload.

Napakamot ako sa ulo, "ahh ehh.. Kase..."

"nakalimutan mo na ba na mayroon akong bisita ngayon?! At eto ang dessert namen?! My god Sophi! Hindi lahat ng pagkain dito sa bahay e kakainin mo! Di ka naman namin ginugutom!" nakikita ko sa mga mata niya na inis na inis siya sa akin. Pero, ano bang magagawa ko eh sa nagugutom ako tas nakita ko yung ice cream na yun, so I ate it.

Pasarado pa lang ang pintuan ko nang biglang umepal naman si KD, "NYE! NYE! NYE! TABACHOY KA KASE!!! DIET DIET DIN PAG MAY TIME!!! NYE NYE ! BUTI NGA NAPAGALITAN KA! BLEEEH!!!"

"KD!!!!" sigaw ko,

Hinabol ko siya sa may hallway namin na makitid at sa kasamaang palad, di ko siya nahabol dahil unang una, napagod agad ako, pangalawa ambilis niyang tumakbo at panghuli, masyadong masikip ang daan talaga, HINDI AKO KASYA.

Oo, mataba ako. As in super taba. Kaya nga ba, nung high school ako, medyo naapektuhan ang aking pag-aaral dahil sa mga bully sa school. At sana this time, makayanan ko lahat ng maririnig ko. Hindi na ako magpapa-apekto! PROMISE!

Ako nga pala si Sophia Perez, isang tabachoy na babae na walang nagkakagusto simula pa nung bata ako. Wala din akong masyadong friends dahil sa ichura ko,

RING! RING! RING! RING!

Kilala ko na kung sino tong tumatawag na ito, siya lang naman si Charlene. Ang nagta-tyaga sakin simula first year high school pa kami. Best friend ko siya. Alam niya lahat ng napagdaanan ko at siya lang naman ang tumulong sa akin nung mga panahon na bumabagsak na yung grades ko nung 4th year high school ako. Napakatalino nitong friend ko na to. SUPER!

"hello?"

"oist! Tabs! saan ka now?"

"sa bahay.."

"punta ako jan! may ikukwento ako sayo!!!"

"ano na naman yan?!?!"

--

DING! DONG! DING! DONG!

Narinig ko na yung doorbell at ramdam ko na din na si Charlene yun. Pero bago pa siya umakyat dito, inabot pa ata sia ng SONA don sa baba. Malamang, kinuwento na naman ni mommy yung pagubos ko ng ice cream niya for her visitors! Mas important pa ba yung mga visitors niya kesa sa tummy ko? Ayy nakooo!

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon