Gian's POVAno bang nasasabe ko? Bakit ganon? Bigla na lang lumabas sa bibig ko yung pangalan ni Sophia. Buti na lang di narinig ni Liam, kung hindi papagalitan na naman ako non,
"anong sabi mo?" tanong sa akin ni Bea,
"wala.. Sige alis na ako ha?"
Tumalikod na ako at di ko na siya muli pang tinignan. Hiyang hiya naman kase ako sa inasal ko. Parang tanga lang. Bat ko naman siya tatawaging Sophia e alam ko namang hindi naman siya yun?
Pinukpok ko ulo ko,
umayos ka Gian! Umayos ka!
--
Nakarating na ako sa bahay pero wala pa din ako sa katinuan. Di ko pa din makalimutan yung nasabi ko kay Bea kanina, kailangan kong humingi ng sorry sa kanya para naman di ako magmukang tanga.
Hinanap ko talaga yung cellphone number niya para lang makapag-sorry. Pero siempre, kahit kanino naman di ko mahahanap yun, kaya ang last na pinagtanungan ko ay si Sir Didi,
"hello sir, goodevening po,"
"o? Napatawag ka iho, gabi na a?"
"gusto ko lang pong tanungin ung number ni Bea, kung pwede ko po bang malaman?"
"sige, isend ko na lang sayo ha? Okay lang?"
"sige po sige po..."
Pagkababa ko ng phone, natext agad ni Sir Didi yung number ni Bea, buti na lang, makapal-kapal ang mukha ko ngayon, sige. Tatawagan ko na siya, hihingi ako ng sorry para ok na ako,
nag-ri-ring..
.
..
...
....
.....
......
........
Matagal tagal bago niya sagutin yung tawag ko. Eh kasi naman di naka-save yung number ko sa phonebook niya.
"hello?"
Sumagot na siya, anong sasabihin ko? Nauutal ako a, "ahhh... he---he----hello???"
"yes sino to?"
"ahhhh.. Bea?"
"sino to,"
"si.. Ahhh.. Si Gian to,"
medyo tumahimik sia ng konti, "Ah. Gian. Oh? Pano mo nalaman number ko?"
"hmm. nagtanong lang sa kung sino,"
"napatawag ka ata?"
"oo, ka.. kase gusto ko lang mag-sorry sa nangyare kanina,"
"haaa? San naman?"
"yung.. ahhh.... natawag kita ng ibang pangalan,"
"yun ba? Wala yun, ok lang yun,"
"sure ka ?"
"oo naman... Kaw talaga lagi kang ganyan,"
"ehe... eh kasi, ba..baka na-offend k...ka...."
"hinde.. Ayos lang yun..."
"anong.. anong ginagawa mo na ngayon?"
Ha?! Ano daw?! Ano ang sinasabe ko?!
"nagpapahinga lang, medyo nanghihina kase ako..."
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Ficção AdolescenteKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...