Gian's POV
"pwede ka bang makausap?" tanong ko kay Bea na may halong kaba sa dibdib,
"bakit?"
"ha? eeee kase, ano... kase, okay ka lang ba?"
Inirapan niya lang ako, at nilagay niya ulit yung earphones niya at di na niya ulit ako pinansin, tinignan ko si Charlene, pero wala na ding magagawa si Charlene kaya pinagbuti ko na tumayo na lang at hayaan ko muna siya, kelangan niya kasi ng konting space dahil sa sobrang dami niyang iniisip.
--
Natapos ang practice namin, pero di pa din ako pinapansin ni Bea, di ko siya matiis. Kelangan kong gumawa ng paraan para pansinin niya ako.
Isip Gian!
ISIP!!!!
--
Nagkita kami ni Charlene ng patago sa may parking lot,
"ano? Kinausap ka na ba?" tanong ni Charlene sa akin,
"hindi pa nga, ano bang gagawin ko Charlene?"
"sa ngayon siguro, mas maganda na kausapin mo muna si Ish para sa closure na sinasabe ko,"
"ngayon na?"
"ay hindi, siguro ipagpabukas mo na para mahirapan ka pa diba?" sabi ni Charlene na di ko alam kung nang-aasar ba o sadyang ganon lang talaga siya,
"sige, puntahan ko nalang muna si Ish,"
"yan. Dapat unahin mo muna yang lukaret mong ex ng matapos na ang kagagahan niya! MyGosssh!"
"salamat Charlene ha?"
Sumakay na ako sa kotse at dumirecho na ako ke nila Ish.
Sana okay na siya. Sana makinig siya sa lahat ng sasabihin ko.
Sana maging maayos ang lahat sa amin.
--
Nang dumating na ako sa bahay nila, di muna ako bumaba ng sasakyan, huminga ako ng malalim, nag-iisip ako kung paano ko uumpisahan ang paguusap naming dalawa.
Paano nga ba?
TOK! TOK!
Nagulat ako sa katok na malakas nung kapatid ni Ish,
"kuya?!"
Binaba ko yung bintana ko, at kinausap ko siya, "si Ate mo?"
"andiyan sa loob... nagmumukmok nga e, buti napapunta ka, ayusin niyo naman na to kuya, di ko na gusto yung nangyayari kay Ate ee,"
"gusto ko talagang ayusin pero di ko alam kung paano ko uumpisahan sa kanya, ano bang lagay niya ngayon? Galit pa din ba siya sa akin?"
"sa totoo lang kuya wala naman siyang nasasabe sa akin na tungkol sayo pero malamang, meron pa ding galit yun sayo,"
"sa tingin mo? Tama bang kausapin ko siya ngayon?"
"siguro? Ano bang sasabihin mo kuya?"
"gusto ko kasing bigyan ng closure yung tungkol saming dalawa,"
"ahh. Hmm Siguro kuya time na para kausapin mo siya ngayon, baba ka na diyan, akong bahala sayo..."
Buti na lang mabait 'tong kapatid ni Ish, kahit na bata pa lang siya, marunong na siyang umintindi sa mga bagay-bagay,
pagka pasok namin sa loob ng bahay nila, wala pala ang mga magulang nila,
"ako muna ang kakatok kuya ha? Tas ikaw na ang pumasok. Asa kwarto kasi siya ee,"
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Teen FictionKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...