Bea's POV
Dear Diary,
Dapat na ba talaga akong lumabas? Dapat ko na bang sabihin kung sino ba talaga ako? Sa totoo lang, nahihirapan din akong magtago. Di naman habang buhay maitatago ko ito.
Maraming nagtataka sa storya ko.
Kung bakit ako nawala, kung ano na nga ba ang nangyare sa akin.
It's been 4 years, pero halata ko pa din sa mga kaibigan ko na di pa din nila ako nakakalimutan.
Yeah, ako nga ito si Sophia Perez na dating tabachoy at lumba-lumba. Na dating pinagtatawanan ng lahat. Na dating inaapi api ng lahat. Pero ngayon hindi na ako papayag na magpa-api. Kailangan ko ng bumangon at gumanti.
Gumanti? Oo, gaganti ako sa lahat ng umapi sa akin. Pero di naman ako ganon kasama kaya mild lang.
Nasaktan ako ng todo non ng niloko ako nila Finn at Valentine. Hanggang ngayon yung sakit nararamdaman ko pa din. Di ko alam kung bakit sariwang sariwa pa din sa puso't isipan ko ang lahat.
Pero di ako papadala sa emotions ko. Gusto kong maging matagumpay sa lahat ng gagawin ko. Para na din to sa sarili ko at sa ikakabuti ko.
"Bea?" sinarado ko bigla yung diary ko at tinago ko agad sa bag ko,
"oh? Gian?"
Oo si Gian, ang isa sa mga naging best friend ko. Namiss ko kaya tong lalaki na 'to,
"galit ka ba sa akin?"
"haaa? Galit? Bat naman ako magagalit sayo?"
"yung nangyare kahapon? Kase hmm. Tungkol don sa babaeng nakausap mo kahapon? Ano eeeh..."
"ano?" gusto ko sanang isigaw sa kanya na, KILALA KO YUN! YUNG IMPAKTANG YUN! SINO BANG DI MAKAKALIMOT SA BABAENG YUN?! NAPAKA GAGA KAYA NON!?!
"wala... sige..."
Nako, naduwag na naman po siya, edi ano pa nga ba gagawin ko? "GIAN!"
Huminto siya, asa practice room kase kami, at ako lang ang tao ulit dito, kaya malakas ang loob nia na kausapin ako dito,
"ohh?"
"lika nga dito," lumapit ako at niyakap ko siya,
malamang nagulat siya kung bakit ko siya niyakap,
"Bea?"
Habang yakap yakap ko siya sa gitna ng practice room, binulungan ko siya, "wag ka ng maingay, kailangan ko lang ng mayayakap ngayon kase malungkot ako,"
Oo, malungkot talaga ako kase namiss ko siya ng sobra! Silang dalawa ni Charlene. Kumusta na din kaya yung best friend ko na yun,
"bakit ka naman malungkot?"
" *sigh* e basta ... yakapin mo nalang din ako, wag ka ng mahiya,"
ramdam ko na dahan-dahan niya akong niyayakap at dahan dahan din ang pagtulo ng luha ko sa mga mata ko,
narinig niya ata ako,
"umiiyak ka?"
"haa? hi--hinde aa?" deny pa Bea, halata ka naman,
"umiiyak ka e... Hmm. Sige iiyak mo lang yan, kung ano man yang problema mo, iiyak mo lang. Alam ko naman na di mo sasabihin kung bakit ee,"
Hindi, ayokong umiyak.
Pang mahihinang tao lang ang pag-iyak, tinulak ko siya papalayo, "iyak? Di ako umiiyak noh? Naubos na ang luha ko noon pa, kaya ngayon wala na... magpa-practice ka ba?"
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]
Fiksi RemajaKailangan mo pa bang magbago para sa iba at para mahalin ka ng mga tao? Kaya mo bang ipagpalit ang iyong kasiyahan para sa iisang pangarap? Yung totoo? Kailangan mo pa bang magpapayat para mapansin ka ng karamihan? Yung totoo talaga!? Yung totoo!? A...