LWTPB 38

10.7K 417 122
                                    

"I'm on my way to Davao, Ven."

"What?! At anong gagawin mo sa Davao? My god Safara what's happening?" May halong kyuryusidad at pangamba sa boses ni Ven but what can I do i'm already here and I need this.

"Ven, look, sige na i'll explain everything when I get back there just please, wag lang ngayon." I said and ended the call sabay lagay neto sa Airplane mode. Kalma Safara all the explanations you need will be said later. I hope so. Pinikit ko ang mata ko at iniwasang umiyak. Kahit alam kong hindi pa malinaw ang lahat kahit alam kong hindi pa ko sigurado, may parte sakin na parang gumuho. May parte sakin na hindi maiwasang magtanong kung ano pa bang mali, ano pa bang kulang. Paano ba maging enough? Yung ikaw lang wala ng iba. Is that even possible now?

Isa't-kalahating oras lang ang byahe dahil by Air naman kaya agad din akong nakarating dito sa Davao. Pinag book ako ni Lolo ng hotel pero alam ko din namang hindi ko to magagamit dahil sa oras na malaman ko yung totoo, aalis ako. Nilapag ko ang mga gamit ko sa kama at nag ayos sandali habang hinahanap ko kung saang Resort naroroon si Aidan. Nalamang kong nasa West siya kaya naman agad akong nagtungo doon. Pribadong Resort at alam kong hindi sila magpapapasok ng basta-basta lang. Pumunta ko sa receiving area at tatlong nakahilerang babae ang nasa front desk.

"Can I ask where Aidan Oxrin is?" Bungad ko at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

"Maam can I ask your name? Sir Aidan is currently on his suite."

"I'm Safara Mori. Can you please tell him i'm here." Mataray kong tugon sa babae at gulat na ekspresyon ang bumalot sa kanya. Nagmadali naman siyang tumawag sa telepono at may kinausap doon na palagay ko'y si Aidan.

"Uhmm Maam sabi po ni Sir sandali lang daw po." Napataas naman ang kilay ko at wala pang ilang minuto natanaw ko na agad si Aidan na palabas ng elevator. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Miss na miss ko na siya pero hindi ko maintindihan kung baket parang ang sakit sakit na makita ko siya ngayon. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak at tumakbo papunta sa kanya. Isang malaking ngiti ang sinalubong niya sakin at tunaw na tunaw na agad ako.

"Baby." Bungad niya at mahigpit akong niyakap. "What are you doing here? Baket hindi mo man lang ako sinabihan para nasundo sana kita--"

"Let's talk." Pagputol ko sa kanya na ikinabigla niya. I learn that loving someone so much isn't enough. Kaya pala kailangan mahalin mo muna ng buong-buo yung sarili mo para pag nasaktan ka, alam mo kung paano ito pupulutin at bubuuin ulit. Dahil sa oras na dumepende ka sa isang tao at nabasag ka, mahihirapan ka ng buuin ang sarili mo ng wala siya. Hinawakan niya ang kamay ko papunta sa Suite niya habang nagwawala nanaman ang mga kulisap sa buong sistema ko. Pagkarating namin ay umupo siya sa kama niya habang nakatayo lang ako sa harapan niya. Huminga ako ng malalim. Eto na.

"I n-need answers. Am i your option, Aidan? Ako ba yung second best lang sayo? Yung kailangan mo lang kasi wala siya?" Nabigla siya sa tanong ko at agad napatayo.

"Saf, ano bang sinasabi mo?!"


"Aidan mahal kita eh. Kaya alam mo bang ang sakit para sakin neto? All my life i build walls just so people cant ruin me pero hindi ko alam na ako rin pala ang gigiba dun because I loved you."

"Safara please ano bang nangyayari?" Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa kanya. Gusto kong baliwalain na lang lahat but no I can't ignore something when it's already breaking me.

"Who's Versace?" Agad nabalot ng kaba at takot ang ekspresyon niya.


"Saf..."


"Who is she, Aidan?"

"Safara wala lang yon. Versace is my old friend. Baby please..." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Baliw na ata ako.

"Mahal mo pa ba?" Sa lahat ng sinabi ko, yan na ata ang pinaka dumurog sa buong sarili ko. Tinitigan ko lang siya habang pinagmamasdan ko yung ekspresyon niya. Wala siyang nagawa kundi ang yumuko at pilit akong hinahawakan at yakapin. But no, I don't want him to touch me because I need to pull myself together.


"Safara, no. Hindi ko na siya mahal. Yes, nag cocommunicate kami pero yun lang yon. She said she missed me and I told her the same pero hanggang dun lang yon, Safara. Nung nalaman kong babalik siya dito sa Pilipinas, nabuhay yung galit ko sa kanya. I thought I still love her. Yes, naguluhan ako pero nung nakita kita, alam ko sa sarili ko na ikaw lang talaga. Please believe me." Para akong nabasag ng makita kong umiyak siya. Ganun ako kahina pagdating kay Aidan. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero masakit para sakin na ako yung girlfriend niya pero wala akong kaalam-alam.

"Safara, please. Versace is nothing. Oo minahal ko siya noon but that's that! She left me I moved on." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit at doon ako nagumpisang umiyak. After all these time, ang sakit talaga. "I love you, baby. Please maniwala ka naman sakin." Does loving someone is really enough to believe, forgive and forget? Tama ba na sapat na yung mahal mo lang siya kaya mapapatawad mo siya kahit masakit at mahirap? Kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinunasan ang mga luhang lumandas na sa mata ko.

"I love you too, Aidan but I dont think I can accept you yet.."

"Safara no. Please wag namang ganyan. Please I'll do everything just please baby wag ganyan."

"I don't think Versace already moved on, A. She loves you even before kailangan lang talaga niyang umalis and I heard hindi mo pa alam ang totoong reason ng pag-alis at pag-iwan niya sayo non. What if nalaman mo, will you still accept her? Mahal mo eh. So stop saying na nakapag move on ka na cause I dont think so. Aidan mahal kita eh I told myself before even if loving you destroys me, i'm fine with it. Mahal kita eh. Okay lang. Pero this time, maybe mas kailangan mo munang ayusin yung sarili mo at yung nakaraan mo. I'm willing to accept you back kung hanggang dulo ako pa rin. But please, don't say you love me just because of pity. Na baka ayaw mo lang akong masaktan. I want you whole, A. I'm willing to wait pero masakit. Masakit malaman na after all the times we've been together, pangalawa lang pala ako. Na nakakulong ka pa rin sa nakaraan mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang patuloy pa din siya sa pag iyak. Ayoko siyang tignan dahil baka bumigay agad ako. But he needs time and I too.

"Safara, are you breaking up with me?" Wala akong nagawa kundi ang tumango. He need to fix everything. Ayoko yung ipipilit ko yung pagmamahal ko sa kanya. I want him whole but for now, i'm building my walls again.

"No, please! Just... No. I'll talk to Versace fix everything and end every connection I have with her just please Saf wag ganyan.." Tumalikod na ko sa kanya. Masakit sobra. Pero parehas naming kailangan to.

"Saf, ano pa bang kailangan kong gawin? Just fucking tell me cause I don't think I can do this without you."

"Learn, Aidan, learn."

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon