Pagkatapos ng shift ko ay mabilis akong nag out dahil sa bahay nila Aidan kami mag didinner. Kinakabahan ako dahil ilang beses ko pa lang makikita ulit ang parents niya. I'm not used to it hindi ako sanay na makasama ang mga magulang niya dahil ako mismo'y hindi sanay na may mga magulang na kasama. How I miss my family so bad. It's been what? Years over years and there's still that spot in my heart wherein it's shallow and empty—forever."Hey, are you okay?" Malambing na tanong ni Aidan habang pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang Bugatti. Sports car, huh. Tumango lamang ako at pumasok na. Bago ang sasakyan niya na ito at two-seater lamang. Ang loob ay amoy na amoy Aidan. Mint and aftershave.
"New toy?"
"Hmmm.. yep." Tugon niya at agad binuhay ang makina at pinatakbo ito. "Two-seater lang para ikaw lang talaga ang isasakay ko dito." Segunda niya at inirapan ko lang. Sinandal ko lamang ang aking ulo at nag-isip nanaman. I'm thinking of my family again. Sobrang pangungulila ko na sa kanila. Mula pagkabata, si Lolo na ang kasama ko. I can't even remember what it feels like to have a family. A complete one, of course.
Iyong may mag-aalaga sakin at didisiplina. Yung pagagalitan ako at sesermonan tuwing papalpak ako. Yung pupuri sakin at sasalubingin ako ng mga ngiti pag may nagagawa akong nakaka-proud. I want those. I want those feelings with them. Sa murang edad ay nawalan agad ako ng pamilya worst thing is, sabay pa. Maybe kaya sutil akong lumaki ay dahil hindi ko naramdaman ang may nag didisiplina sakin. Madalas si Lolo lang ang kasama ko o kaya ang maid dahil palagi din umaalis si Lolo para sa trabaho.
"Safara..." Nawala ako sa pag-iisip ng hinawakan ni Aidan ang kamay ko. Malapit na kami sa kanilang bahay at mas lalong nanikip ang dibdib ko. Kunot ang noo niya at halatang may iniisip na malalim.
"Baby, you sure you're okay? Pwede ko naman sabihin kila Papa na ipagpaliban na muna to."
"I'm okay, A. Namiss ko lang ang pamilya ko. It's just that i'm not used to be surround by parents..." Tumikhim siya at sandaling pinarada ang Bugatti niya sa harap ng kanilang bahay. Tinanggal niya ang seatbelt niya at mabilis na humarap sakin.
"Saf, i'm your family. We will build our own. My family is your family now, baby. Please don't think too much. Tuwing nagkakaganyan ka ay nawawala na din ako sa pag-iisip. Ayokong nahihirapan ka." Panunuyo niya at ginawadan ako ng isang halik. Niyakap ko lamang siya at ngumiti.
"I love you, A." Sabi ko at agad lumawak ang mga ngiti niya.
"You dont say I love you to your friend."
"Wag ka mag-alala I say I love you to my boyfriend." Mabilis kong sabi at tinanggal na ang seatbelt para unahan na siyang lumabas. Nagmamadali siyang sumunod at hindi matanggal ang kanyang ngiti. Hinaplos niya ang bewang ko at mas lalo akong siniksik sa kanya.
"I love you, A.Z." Bulong niya at lumakad na kami papasok sa kanilang bahay. Sinalubong kami ng isang kasambahay nila. It all begins and ends with me, huh.
"Naku sir, kanina pa kayo hinahanap nila Maam aligaga at dadating daw ang fiancee niyo Sir?" Daldal ng katulong nila at agad binaling ang tingin sa akin. "Naku, siya na ba yoon Sir? Napakaganda nga! Tama po ang Mama niyo." Ngumiti lamang kami ni Aidan at dumiretso na sa Dining nila. Nakaupo doon si Miguella at Blake at ang Papa nila Aidan habang aligaga naman ang Mama ni Aidan sa pag-aayos ng mga pagkain.
"Aidan! Safara!" Masayang bati ng Mama ni Aidan at agad lumapit para yakapin ako. Humalakhak lang si Aidan at hinalikan ang ulo ng kanyang Mama.
"Buti naman at dumating na kayo eto talagang si Aidan nako akala ko wala ka ng balak iuwi dito."
"May ginawa lang po sa opisina, Tita." Nahihiya kong tugon habang tinawanan lang ako nila Aidan.
BINABASA MO ANG
Living With The Pervert Brothers (ONGOING)
Teen FictionWhat will she do? If she'll be living with the pervert brothers? Can she survive? Can they survive? Another romance? or an endless war? Find out.. Cover made by: RoanLeeValdez