LWTPB 36

12.5K 389 50
                                    

Nag kwentuhan lang kami ni Tita at tinuro na niya sakin ang gagawin ko. I told her that I want fair and square here so ayoko na maging bias siya or giving me such special treatment kaya naman kagaya ng ilan ay sasabak muna ko sa screening ramp to see if pwede ako or not. Luckily, hindi kasama si Tita sa apat na mag j-judge so i'm thankful. Ayokong makakapasok lang ako dito because of connection. I want it fair for the others. May lumapit saking morenang babae na nagngangalang Margo siya ang bahala sa wardrobe ng lahat kaya iniwan ako ni Tita kasama siya.


"So for the screening eto muna ang isusuot mo." Sabi niya sabay abot sakin ng isang champagne color dress na round neck pero kitang-kita ang kabuuan ng likod ko. At kung sakaling nandito si Aidan ay tiyak na hindi iyon papayag kahit likod ko lang naman ang makikita ng sobra. Napa-irap ako sa kawalan ng maisip kong hindi pa pala kami maayos dalawa. Mamaya ko na lang siguro siya tatawagan. Pinapila na kami sa naaayon sa number na binigay samin kanina. Isang-daan kaming nakapasok lang dito and to make it worst, sampu lang ang makakapasok para sa mismong big runway. 34 ang number ko kaya naman napanuod ko pa ang iilan na rumampa habang naghihintay ako ng nakarating na sa pang 30 ay naramdaman ko na agad ang kaba sa sistema ko.


"Newbie?" Tanong ng babaeng nasa likod ko. Umaalon ang mahaba at straight niyang buhok sa balikat niya. I must admit ang ganda niya. Mas matangkad at mas maputi lang ako sa kanya but all in all, palagay ko'y makakasama siya sa sampung papasok sa ramp. Tumango lang ako sa kanya habang natapos ng rumampa ang pang number 32.

"Goodluck then. Makakapasok ka niyan. Trust me." Giit niya at mahina akong tinapik sa balikat habang tinawag na ko ng isang bakla na nag-aayos sa event. Pina-pwesto na niya ko sa gitna at halos manginig ang buong sistema ko. Huminga ako ng malalim at nagsimulang lumakad na. Apat na sulok ang hihintuan namin para mag pose at ginawa ko naman iyon. Nang makarating ako sa gitna ay nag pose ako ng ilan sa harap ng apat na judges. Nakita ko naman si Tita na naka-ngiti at pumapalakpak. Pagkarating ko sa exit ay halos ibuga ko lahat ng hininga na naipon ko kanina. Hindi ako sanay sa ganito pero masasabi kong maayos ang naging pagrampa ko kanina at kumpyansa ako sa sarili ko.

"Versace!" Rinig kong sigaw ni Tita sa hindi kalayuan habang ang mga kasama kong tapos ng rumampa ay napatingin din sa gawi nila. Nakita ko ang isang matangkad at magandang babae na kausap ni Tita. Nakasuot siya ng itim na sleeveless crop top at skort. Masaya siyang binati ni Tita at nakita ko ang number 100 na nakasabit sa leeg niya.


"Grabe mas lalong gumanda si Versace at kasali pala siya?" Rinig kong usap-usapan ng mga babaeng kasama ko dito sa backstage. Lumapit naman ako sa kanila para magtanong.

"Kilala niyo?"


"Oo. Madalas na namin siyang makasama sa ramp noon kaya lang umalis papuntang US ata." Sagot ng isang babaeng alam kong hindi makakapasok sa screening ramp nato. No i'm not rude pero by just looking at her, alam ko na. Nginitian ko lang naman sila at bumalik na ko sa pwesto ko. Tumingin ulit ako sa stage at nakitang nakapila na doon yung Versace. Halata sa mukha at postura niya na sanay na siya sa mga ganitong ramp. I don't know pero bigla akong na-curious na ewan. Nang siya na ang rarampa ay hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kilay ko. Let's see if she's really a pro. Nagsimula siyang lumakad at huminto agad sa gitna para umikot at nagtuloy-tuloy sa gilid. Pumalakpak agad ang dalawang judges na lalong nagpataas ng kilay ko. She's doing good but I can see the special treatment she got there. Hindi ko na tinapos ang pagrampa niya at agad ko ng hinanap si Tita.


"Safara hija, you look perfect awhile ago to think na first time mo ito." Napa-ngiti naman ako sa sinabi niya at nagpasalamat. Hindi pa nagtatagal ng matanaw ko si Versace na palapit samin habang naka-ngiti. Sinalubong siya ni Tita at pinuri din. Not as good as mine kaya naman kampante pa din ako.


"Versace this is Safara Mori." Batid ni Tita ng ipakilala niya ko. Lumapit pa ko sa kanila at hindi ako nag-abalang maglahad ng kamay. No, I won't do the honor. Nang maisip niya sigurong wala akong balak ay siya na ang naglahad ng kamay niya.


"Versace. Nice to meet you." Tinanggap ko naman ang nakalahad niyang kamay at mabilis din itong binitawan. Now now why do I feel like shaking hands with someone I despise?


"Maiwan ko muna kayong dalawa. I have to see the results." Sabi ni Tita at lumakad na para iwan kami.


"You look good awhile ago." Panimula ko habang isinantabi ko ang hindi ko mapigilang masamang iniisip sa kanya.


"Thank you. Wasn't able to watch you but I think and just by looking at you looks like makakapasok ka." Seryoso niyang sabi at nginitian ako. Mukhang mali naman ang iniisip ko tungkol sa kanya dahil mukhang mabait naman siya. Nag kwentuhan lang kami at nabanggit din niyang 1 week pa lang siya dito sa Manila dahil galing siyang US at kakilala pala niya si Tita dahil magkaibigan ang parents nila. Nalaman ko din na kamamatay lang ng mom niya months ago. Naging komportable agad ako sa kanya. Agad naman siyang tumayo ng mag ring ang phone niya.


"Have to take this." Sabi niya at nginitian ko naman siya. Medyo lumayo siya sakin ngunit rinig ko pa din ang iilan sa mga sinasabi niya. Rinig kong sinasabi niya kung saan siya nag s-stay sa ngayon at nakita ko din ang pagtawa niya.

"Yes Aidan, I missed you too. See you soon. Bye." Halos bumagsak naman ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pangalan ni Aidan. May kung ano sa sistema ko na nagwawala at parang gustong kumawala. Ramdam ko ang pamumutla ko pero agad kong inisip na imposible. Siguro naman ay hindi lang si Aidan ang may pangalang ganon pero hindi ako mapakali. Inayos ko ang sarili ko ng naka-ngiting lumapit ulit sakin si Versace.


"Sorry. Matagal ba?" Tanong niya.

"No. It's o-okay." Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung paano. Ayokong lumabas na pakialamera but there's something in me pushing me to ask.

"Boyfriend" Tanong ko ng hindi ko mapigilan ang sarili ko. I need to know. Tumawa naman siya at umiling. I breathe and calm myself.

"He's  a close friend of mine." Naka-ngiti niyang sabi habang nakatingin sa malayo. "He's been my friend since nag-aral ako dito sa Manila. High school til day one of College. But I have to leave that time dahil na rin sa kalagayan ni mommy. You see, only child ako. Hindi ako pwedeng iwan dito while my parents will go sa US for my mom to undergo her theraphy. So that leaves me with no choice. Nag drop ako and nagalit siya sakin. I understand him. Hindi kami pero parang kami that's our relationship back then. You know the feeling na hindi kayo pero rest-assured ka na sayo lang siya at ganun ka din sa kanya. So I accepted his anger towards me. Wala kaming communication for years. Pero 2 months bago ako umuwi dito sa Manila he called me saying namiss niya daw ako. And now that i'm back here for good, I hope he'll be mine for good and for real too." Masaya niyang giit habang parang kampante siya na magiging sila at babalik ulit sila sa dati. Her story makes me uneasy. Bumalik nanaman ang kaba sa buong sistema ko. Please, not what i'm thinking. Please, no.

"Can I know his name?"

"Aidan. Aidan Oxrin."

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon