LWTPB 28

16.5K 468 16
                                    

Nang makarating kami dito sa Davao, halos literal na mapanganga ako sa ganda ng tanawin. Unang beses ko pa lang dito dahil hindi ako madalas mag out of town. Tumigil kami sa tapat ng isa sa pinaka-malaki at magarbong hotel dito sa Davao City. What's new? Si Aidan Oxrin ang kasama ko. He will never bring me to cheap places, I know. Agad akong napangiti ng naramdaman ko yung kamay niyang nasa bewang ko nanaman.

"Nice view, eh?" Tanong niya. Tumango lang ako sa kanya at pumasok na kami sa hotel. Mag checheck-in lang kami dahil bukas ng umaga aalis din ako. Two days and one night lang naman kasi ako dito baka pag nagtagal pa ko ay di na ko makapagpigil at hindi ko na mapakawalan si Aidan para sa field study niya. Pagkatapat namin sa front desk, tatlong babae ang nandoon habang may dalawang lalake naman na nakatayo sa magkabilang gilid ng front desk habang nakasuot ng uniporme na exclusive sa mga staff ng hotel. At dahil si Aidan Oxrin ang kasama ko let's face it, imposibleng hindi siya pagtinginan. Naka simpleng pants lang siya at v-neck shirt na may kasamang silver dog tag pero ang gwapo niya talaga!

"Good morning, sir and maam." Bati samin ng isang babae pero kay Aidan lang siya nakatingin. NO STARING, BITCH! Agad kumunot ang ulo ko. Gusto kong hilahin ang mata ng babaeng 'to at iharap sakin.

"Ehem!" Banat ko habang napatingin naman sakin yung babae at inayos ang kanyang sarili. Humalakhak naman ang walanghiyang Aidan sabay palupot ng kamay niya sa bewang ko. Declaring he's mine. Napangiwi naman ang babaeng nasa harap namin kaya tinaasan ko na ng kilay.

"Aidan Oxrin." Natatawang sabi ni Aidan sa babae. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Wag mong sabihing nagpapakilala pa talaga siya?!

"Aidan!" Sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya. Humalakhak lang naman siya at mas lalo akong nainis! Hindi porket ang gwapo-gwapo niya eh madadaan na niya ko sa ganyan.

"Easy, baby. Chill. Sige na Klara, give me the keys at selos na selos na etong girlfriend ko." Sabi niya sa babae sa harap.

"A-ah p-po? Kayo po si A-aidan Oxrin?" Tanong niya na parang di makapaniwala habang nagmamadali niyang inabot yung susi at isang card kay Aidan. Agad naman iyong kinuha ni Aidan at hinila na ko papuntang elevator.

"Ba't mo kilala yung babae? Tsaka baket mo sinabi yung pangalan mo sa kanya?" Tanong ko pero tinawanan lang niya ko habang mas lalo niya kong diniin sa gilid ng katawan niya.

"Gustong-gusto ko talaga yang pag iinarte at pagseselos mo. Shit!" Mahina niyang sabi habang nagpaulan pa ng malulutong na mura. Hinampas ko naman siya dahil kanina pa siya parang ewan.

"Sagutin mo ko Oxrin baket kailangan mo pang sabihin pangalan mo sa kanya?!" Ayan nanaman at tawa siya ng tawa at kinurot ako sa pisngi.

"Hay... grabe talaga! Sinadya ko talaga iyon para marinig nung dalawang lalake na tingin ng tingin sayo. Gusto kong marinig nila ang pangalan ko para alam nilang hindi nila kaya ang kinakalaban nila. Ayoko ng may ibang lalakeng tumitingin sayo, Safara. Gusto ako lang." Napapikit naman ako at ako na ata ang sabay sabay na nagmura dahil sa pagiging sweet ni Aidan sabayan pa ng mabilis na kalabog ng dibdib ko.

"Oh okay ka na ba?" Natatawang tanong niya habang bumukas naman na ang elevator. Pakiramdam ko'y nanglalambot pa mga tuhod ko dahil sa mga pinagsasabi ng walangyang 'to! Tumapat kami sa isang kulay gintong pinto habang tinapat ni Aidan ang isang card at mabilis naman etong bumukas. Nilapag lang sa gilid ni Aidan yung mga gamit namin na hindi naman madami dahil hindi naman ako magtatagal dito. Palingon-lingon lang ako sa paligid dahil ang ganda ng kabuuan ng loob ng kwarto. Isang king size bed at halos puro grey, itim at puti ang kulay ng kwarto. Masarap sa mata. Hindi kagaya ng ibang hotel na masyadong makikinang ang kulay.

"Saan mo gustong pumunta? O gusto mo munang magpahina pero kung ako ang tatanungin mo parang mas masarap magpahinga." Sabi niya at humalakhak nanaman. 

"Tigilan mo ko, Aidan!" Sabi ko naman at lumayo ng konti sa kanya dahil pakiramdam ko'y mapapaso ako anytime na lumapit siya sakin.

"Ba't lumalayo ka sakin Safara?"

"W-wala! Umayos ka nga. Maliligo lang ako tapos kumain tayo ha?" Sabi ko at mabilis siyang hinalikan at nag dire-diretso na ko papuntang banyo habang natatawa dahil sa mahihinang mura niya. Ganon ang epekto ko sa kanya konting lapit ko lang sa kanya, hindi na niya makaya. 

"Kainis ka Safara!" Sigaw niya habang nasa loob na ko ng cr. Hahaha. Mabilis lang akong naligo at nagsuot ng isang plain white na dress na di lalagpas sa tuhod ko ang bagsak. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ko at nadatnan si Aidan na nakatayo habang may kausap na babae sa pinto. Nakabihis na siya ng isang puting shirt at maong shorts na hanggang tuhod lang. Agad siyang napatingin sakin at namula. Umalis na yung babae na parang natulala na lang sa kanya.

"Sino yon?"

"Wala tinatanong lang kung magpapadeliver daw ba tayo ng pagkain anyway, you're so beautiful." Sabi niya pagkalapit niya sakin at mabilis akong niyakap at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Pero ang iksi niyang dress mo Safara wala ka bang pants man lang?" Medyo inis niyang tanong at hinead to foot ako.

"Mainit tsaka komportable ako dito."

"Pero kitang-kita yung binti mo, Safara! Hindi pwede sakin yung ganyan!" Frustrated niyang sabi habang mabilis niyang hinaplos yung binti ko and I swear matutumba na ko kung hindi lang niya ko niyakap. Ang bango talaga ng mokong na'to! Parang mas gusto ko na lang mahiga katabi si Aidan! Jusko nagiging mahalay talaga ko pag katabi ko 'tong isang 'to!

"Aidan, they're just legs--"

"Your effing legs, Safara! Aish! Tara na nga! Pero ngayon lang ako papayag dahil kasama mo naman ako pero pag bumalik ka na sa Manila Safara, wala ng ganyan. Kung kailangan kong umuwi doon para lang ma-check ang suot mo gagawin ko." Sabi niya habang mahigpit pa ring nakayakap sakin habang amoy na amoy ko yung bango niya. Napangiti na lang ako sa mga pinagsasabi niya. 

"I love you." Tanging nasabi ko sa kanya. Ayan nanaman ang malulutong pero mahihinang mura niya.

"Mahal na mahal talaga kitang babae ka na hindi ko alam gagawin ko pag nawala ka." 

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon