Busy ngayon dito sa buong school dahil may one week event na magaganap. Wala kaming klase nun at hindi rin naman required kung aattend ka sa event na'to o hindi. Pagtapos kasi ng week na'to ay finals na at g-graduate na talaga kami. Tatapusin ko lang din ang finals at mag uumpisa na kong mag trabaho mismo sa kompanya namin kaya susulitin ko na talaga ang buong isang linggo na'to. Si Venice naman ay wala pa ring nahahanap na gusto niyang pag trabahuhan. It's not like wala siyang kompanya na pwedeng i-take over pero wala naman siyang hilig sa clothing line dahil yun ang field ng negosyo nila. Sinabihan ko naman siya na sa kompanya na lang namin pero pag-iisipan pa daw niya. Gusto ata niyang tumambay at humarot na lang at wag ng mag trabaho since alam niya sa sarili niyang di naman na niya kailangan. Bruha talaga. Si Aidan naman ay mas nagiging busy dahil na rin siya na ang nag take over ng kompanya nila kaya madalas ay absent siya.
"Safara!" Napalingon naman ako kay Delta. Ganun pa rin ang tratuhan nilang magkakapatid. May tensyon pa din talaga pwera na lang kay Blake na tuwing uuwi sa bahay, didiretso lang agad sa kwarto at hindi man lang kami papansinin. Hindi ko alam kung umiiwas siya sakin o ano pero nalulungkot din naman ako. Naging malapit din kami ni Blake kaya nahihirapan din ako na ganito ang pakikitungo niya sakin.
"Uy! Ba't tulala ka?" Tanong ulit ni Delta sakin. Nginitian ko lang siya habang inaayos ko tong mga gamit ko. Nandito ako sa room kahit wala naman ng klase dahil busy na ang ilan sa pag-aayos ng mga event na magsisimula bukas. Graduating na si Aidan, Blake at Delta kaya sabay-sabay kaming gra-graduate.
"Baket?"
"Si Aidan?" Tanong niya. Ang alam ko nasa room si Aidan dahil yun ang text niya sakin kanina.
"Nasa room ata nila? Baket?"
"Bukas na ang Field Study namin. 3 months yon at--"
"Haaaa? Eh diba one week event simula bukas? Tsaka baket 3 months pa?! Ibig sabihin hindi tayo sabay-sabay gra-graduate?!" Halos mapasigaw ako sa tanong ko dahil buong akala ko talaga sabay kaming gra-graduate ni Aidan.
"Oo pero hindi naman kasama ang buong department namin dahil nga sa field study at tsaka hindi naman talaga sabay-sabay ang graduation dahil may field study pa kami."
"Ganun ba? Bukas na ba talaga umpisa niyan?" Para akong nanghina sa sinabi ni Delta. Ibig sabihin mas magiging busy si Aidan.
"Oo pero pwede din naman na 2 days after pa magsimula. Pero kami ni Blake magsisimula na bukas dahil madaming problema sa kompanya ngayon ni papa."
"Eh si A-aidan?" Halos pabulong kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Living With The Pervert Brothers (ONGOING)
Teen FictionWhat will she do? If she'll be living with the pervert brothers? Can she survive? Can they survive? Another romance? or an endless war? Find out.. Cover made by: RoanLeeValdez