LWTPB 18

25.9K 630 22
                                    

The good thing about having a family company is wala ka ng pro-problemahin sa future place of work mo. All you have to do is mag-aral, mag-aral, mag-aral, at maghintay. It's like everything is automatically serve for you. Yes, right in front of you. Hindi ka na mahihirapan maghanap ng company na pag a-applyan mo. Hindi mo na kailangang ng job interviews and such. Hindi ka makakadanas ng famous line ng mga kompanya na, "We will just call you." Hindi mo na kailangang pumila ng sobrang haba para lang sa pag a-apply. And the bad thing is, too much expectation is serve on your platter. Hindi pwedeng tatanga-tanga ka cause you'll be running a company wherein your family is in the center. 

"Maam Safara, sabi po ng lolo niyo, pwede na daw po kayong mag start tomorrow." 

 

 

"Why not now?" Taas kilay kong tanong sa secretary ni Lolo.

"Para daw po maayos yung work place niyo, maam." Tumango lang ako at umalis na sa harap niya para puntahan si Lolo sa opisina niya. Yes, nandito ako sa Mori Airlines Inc. dahil dito ko planong mag trabaho. Why settle in other companies kung meron naman kami? Ayokong maging alila sa ibang kompanya when in fact I can run this Airlines of ours.

"Lo,"

 

 

"Oh, nandiyan ka pa pala. Hindi ba sinabi sayo na--"

 

 

"Baket bukas pa ko mag i-start? Pwede namang ngayon na."

 

 

"Pinapa-ayos ko pa ang magiging opisina mo. Isa pa, pasalamat ka nga at pumayag na kong magsimula ka kahit hindi ka pa graduate talaga."

 

 

"Pero lo!"

"No, Safara. Isa pa, you should be thankful at hindi mo nararanasan ang job interview."

 

 

"Fine." Sabi ko at lumabas na ng opisina niya. Finals na lang ang iniintindi ko at ang mga requirements na nakaka-stress. May dalawa pa kong report na kailangang tapusin which is due the day after tomorrow pero ni-isa wala pa kong nauumpisahan. Napaka-unproductive lagi ng araw ko. Lumabas na ko ng Mori Airlines ng makita ko si Aidan na nakasandal sa Z3 niya habang pinaglalaruan niya yung susi ng kotse niya. Naka-ngiti lang siya na parang tanga at hindi pa niya ko nakikita. Ang gwapo talaga ng manyak na'to. Hindi ko alam kung paano niya napagsasabay ang pagiging fcking hot at fcking gorgeous. Nakakainis kasi ang gwapo niya. Napatingin naman siya sakin at ngumisi ng nakakaloko sabay humalakhak kaya inirapan ko siya. Ayokong nahahalata niyang pinagnanasaan ko siya.

"Hey," Sabi niya pagkalapit niya sakin. As usual, nakapalupot nanaman yung kamay niya sa bewang ko sabay halik sa noo ko. Napapapikit na lang tuloy ako. Tss.

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon