LWTPB 34

13.3K 395 24
                                    

"Reema." Agad naman siyang napalingon at mabilis pinunasan ang luhang lumalandas sa mukha niya.

"What Safara? Can you knock first?!" Iritado niyang sabi habang umupo sa kama niya.

"Ano yung narinig ko? Come on, Reema. Ano ba talagang nangyayare?"

"It's nothing. Can you leave me, please?" Pakiusap niya at humiga na sa kama niya senyales na hindi ko siya makakausap ng matino ngayon. Tumayo na ko at akmang lalabas dahil ayoko naman siyang pilitin. Isa pa, hindi naman kami close.

"Saf, c-can you come with me later?" 

"Sure. Where?"

"Let's be wasted. Sherwood or Cent?"

"Sherwood na lang since dun din usapan namin ni Ven." Sagot ko at iniwan na siya. Iniisip ko naman na hindi magugustuhan ni Aidan tong pagpunta ko sa bar pero kailangan ako ni Reema isa pa, wala naman siyang dapat ipag-alala since halos puro kakilala naman namin ang tao don. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at nagpahinga. Alas-sais ng magising ako. Lumabas lang ako ng kwarto at nakita si Lolo na palabas din sa kwarto niya. Kasama niya ang sekretarya niya at dalawang bodyguard.

"Safara, gisingin mo na si Reema. Aalis na ko maya-maya lang." Utos ni lolo na agad ko namang sinunod. Kaya naman ng pagtapat ko sa pinto ng kwarto ni Reema ay kumatok muna ko pero walang sumasagot kaya pumasok na ko at nadatnan ko siyang nakaupo sa dulo ng kama niya at minamasahe nanaman ang gilid ng ulo niya.

"Reema, let's go. Aalis na si Lolo." Tumayo naman siya at saktong bloodshot eyes ang bumungad sakin. 

"I know I look like shit. Damn. Kailangan ko na talagang umayos." Dire-diretso niyang sabi at nauna ng lumabas. Hindi naman na nagtanong ng kung ano-ano pa si Lolo at nagbilin lang samin na mag-ingat at 3 weeks bago pa siya makakabalik ulit dito sa Manila. Nang makaalis si Lolo naiwan lang kaming dalawa ni Reema na nakaupo dito sa sofa habang tulala siya at wala rin naman akong balak maki-tsismis sa problema niya dahil kung ako ang nasa lugar niya, ayoko din naman ng may nakikialam sakin.

"What time are we going sa Sher?" Wala sa sarili niyang tanong.

"Mga alas-nuebe na siguro since sabado ngayon at malamang maagang magbubukas sila Parker." Tumango lang naman siya at iniwan na ko. Agad ko namang naalala si Aidan kaya mabilis kong kinuha ang phone ko at tinext siya dahil nakakapagtaka at hindi pa niya ko tinatawagan or tinitext man lang.

Ako:

We'll be going sa Sherwood. I'm with Reema and Ven. I miss you.

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon