LWTPB 41

7.8K 268 25
                                    


"Eises, hindi pa ba babalik ng Manila si Aidan?" Tanong ko habang naka upo ako sa sun lounger at tinatanaw ang mga manggagawa na pabalik-balik para sa pag renovate ng isang building dito sa Resort. Tanaw ko naman si Aidan na nakaputing long sleeve at nakatiklop hanggang siko. I've never seen him that serious and hot.

"Hindi pa ata. Ayaw siyang pabalikin ni papa hanggang hindi naaayos pa yang building. Why? Happy that he's staying?" Panunuya niya kaya naman inirapan ko lang. Kainis. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyare kagabi. Yung mga sinabi niya, totoo kaya ang mga yon? Wala na ba talaga? Sinayang ko ba talaga ang lahat?

"Know what? Nagmamatigas lang yan. Kumbaga sa pader hindi masyadong maayos. Guguho din." Sabi niya at tinapik ako. Tumawa naman ako dahil ngayon ko lang nakitang ganyan magsalita si Eises. Of all people si Eises pa talaga?

"Baliw! Kasalanan ko naman. I'm at fault ako yung sumuko ako yung pumilit na bumitaw siya. At kung may guguho man, ako iyon." Sambit ko at pinilig ang ulo sa balikat ni Eises. Tumagal lamang kaming ganon ng narinig ko ang boses ni Aidan.

"Eises," Agad akong napaayos sa pagkakaupo habang humalakhak lamang si Eises sa tabi ko at tinitigan ang kapatid niya.

"Oh baket kuya? May problema ba?" Naghahamong tanong ni Eises habang umiwas naman ng tingin si Aidan at kumunot ang noo.

"Tawag ka ni Papa. Sumunod ka na lang." Sabi niya at iniwan agad kami. Tumayo naman si Eises at humalukipkip sa aking harap.

"See? Ganoon pa lang, natunaw na." Natatawa niyang sabi at iniwanan na din ako. Humiga na lang ako at inisip ang lahat ng nangyare samin ni Aidan. Mapapatawad pa kaya niya ko? Hindi naman ganoon kabigat ang ginawa ko sa kanya. Kung tutuusin ay ginawa ko iyon para sa kanya. Ayokong maging sagabal gulo ang isip ko nung mga panahon na yon at gusto ko lamang ay makatakas at ayusin ni Aidan ang nakaraan niya. Dahil kahit anong pilit ko hanggang may pader ng nakaraan sa aming dalawa, hindi kami mabubuo parehas.

"Safara," Napabalikwas naman ako sa pagkahiga at nakita si Versace na nakatayo sa harap ko. Mugto ang mata niya at halatang pagod. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.


"I'll be leaving. Babalik akong US. Nag usap kami ni Aidan kagabi. Aaminin ko nasaktan ako gusto kong magalit sayo kay Aidan pati na din sa sarili ko pero wala akong magawa dahil alam ko, may pagkakamali ako. Na kahit anong bawi ko kay Aidan, wala na. Hindi na ako."

"Versace, why are you telling this to me?"


"Dahil alam kong maisasalba pa kayo. Alam kong hindi ka bibitawan ni Aidan maybe nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon kaya hindi mo pa makuha ang tiyansa mo—"

"He dont want me back, Versace. Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya dahil ako ang nagtaboy at bumitiw. I already took all the risk and letting him go was the most stupid risk i've ever made. I think, i'm done chasing chances with him. Siya na yung sumuko eh hindi na ako."

"You think iyon na yon, Safara? Hindi ka na magbabakasaki ulit? Hindi ba worth it si Aidan para isagad mo ang lahat?"

"Wala kang alam sa lahat. Dont talk as if alam mo yung hirap ko nung binitawan ko siya." Untag ko at mabilis na lumayo sa harapan niya. I just want to put everything at rest dahil hindi ko na alam ang iisipin ko. Pagod na din ako.

"Safara? Baket ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Tita at mabilis akong niyakap. Dinala niya ko sa kwarto at doon kinausap.


"Tita, am I really wrong for setting Aidan free? Am I that wrong for choosing the right thing?"

"Saf, I understand you. Ginawa mo lamang yon para sayo at para na din kay Aidan. What you did wasn't wrong. It is the most appropriate thing to do. Naipit ka kaya ka lumayo. Hindi mo naman tinigilan na mahalin si Aidan pinalaya mo lang siya para makalaya na din siya sa nakaraan niya."

"Pero Tita baket ganon? Why is that parang walang nangyare sa pagsasakripisyo ko? Cant they get me? Hindi ba nila maintindihan yung ginawa ko?" Hagulgol ko habang inaamo lang ako ni Tita. Naubusan na ko ng mga salita napapagod na din akong lumaban.

"You should talk to Aidan for the last time I think. Take all the chances, bring all the risk and swallow every fear and what ifs. Siguro noon ay kulang sa inyo ang pagdedesisyon ng sabay. Kaya ngayon, magdedesisyon kayo parehas. Timbangin niyo lahat alalahanin niyo lahat tsaka kayo magpasya. Kung sa tingin niyo ay hindi na worth it, isuko na. Pero kung sa tingin niyo'y maayos pa, ilaban niyo. Because that's what love is. It's all about taking chances and breathing every risk." Niyakap ko naman si Tita at mabilis na nagpasalamat sa kanya bago ako umalis para hanapin si Aidan.

Ibubuhos ko na lahat. Ayokong sayangin pa to. Kakainin ko lahat ng pride para kay Aidan because I want him back.

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon