Ilang araw pa kami nag stay dito sa Tagaytay hanggang sa natapos ang lahat ng ramp. Ngayon ay nandito pa rin ako sa hotel habang abala na ang iba dahil ngayon ang balik nila sa Manila habang may isang linggo pa ako dito. Pagbalik ko sa Manila ay mag ttrabaho na agad ako sa kompanya namin at regular iyon."Saf, sorry I cant be with you. Ang kulit ni papa eh!" Halakhak ni Eises. Sabay sana kaming uuwi ngunit pinababalik na siya ni Tito and I understand I dont wanna be an extra baggage for them.
"Ano ka ba that's okay isa pa babalik din naman agad ako sa Manila." I said at niyakap siya and bid everyone goodbye. Sumulyap ako sa mga modelo at nakita ko si Versace na nakatingin sakin at mabilis ding umiwas at nauna na sa labas.
Alas-singko ng hapon ng magpasya akong lumabas para mag swimming. Naka-pulang bikini ako at pinatungan ko muna ito ng bathrobe. Pagkarating ko sa private pool nila ay tanaw ko agad ang mga trabahante na abala sa pag rerenovate ng katapat na building. Tingin ko ay mga kwarto iyong inaayos at dinadagdagan nila.
Hinubad ko ang bathrobe at ipinatong ito sa katabing sun lounger. Naglagay ako ng sunblock kahit na wala na masyadong init. Kailangan ko pa din alagaan ang balat ko para sa ramp.
"Seriously you're wearing that in front of those men? Tss." Agad akong napa-angat ng tingin kay Aidan na nakasimangot.
"Do you prefer i rather wear pajamas? Like come on Aidan wag umasta na parang baguhan." I spat at tinalikuran siya. Kumalabog ang dibdib ko ng bigla niya kong hinila paupo sa sun lounger habang nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Come on, what does he want? Akala ko ba'y ayaw na niya sakin pero ngayon kung makaasta akala mong kung sino! Dont get me wrong kinikilig ako ngunit may parte sakin na hindi mapalagay dahil sa mga kinikilos niya.
"Put that robe on Safara or else," Sambit niya ngunit hindi alam kung anong isusunod. Tinaasan ko lamang siya ng kilay habang humalukipkip siya saking harapan.
"Or else what, Aidan?" Paghahamon ko.
"Hard-headed. Bahala ka." Iritable niyang sabi at lumakad palayo. What the fuck is that?! Agad kong kinuha ang robe ko at sinundan siya.
"Aidan!"
"What— ano ba I told you to put that robe on!" Singhal niya habang napangiti naman ako kahit inis na inis na siya.
"Why are you smiling?!"
"Wala lang. Am I not worthy to smile? Loosen up, A. Ano bang problema mo hindi naman bago sayo na naka-bikini ako?" Panunuya ko habang nag iwas naman agad siya ng tingin.
"Safara those men at work are drooling over you! Gusto mo bang mabastos?"
"Eh ano bang pake mo sakin? I thought we're done? Unless..." Pang-asar ko at inirapan naman niya ko. Damn! Namiss ko ang walangyang to! Mabilis na kumalabog ang dibdib ko at dama ko ang mga paru-parong nagsasayaw sa loob ng sistema ko.
"Ewan ko sayo." Sabi niya at lumakad na ngunit sinundan ko pa rin siya.
"Put that robe on Safara kung may balak kang sundan pa rin ako." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin. Napa-ngiti naman ako at sinuot ang robe habang yakap-yakap ko ang sarili.
Dumireto kami sa dining hall at humanap siya ng bakanteng lamesa. Nang makahanap ay agad siyang umupo habang sumunod naman ako. Agad may lumapit na waiter samin at kinuha ang order ni Aidan.
"Yun lang po ba, sir? Kayo po maam—"
"Yun lang. You may go." Walang abog na sabi niya.
"Hindi pa ko umoorder!" Irita kong sabi dahil napakabastos talaga niya. Hindi niya ko pinansin at pinaglaruan lang ang cellphone niya. Bastos talaga!
Dumating ang order niya habang nakatanga lang ako dahil wala naman akong kakainin. Komportable siyang kumain sa harap ko ng hindi man lang sumusulyap sakin.
"Nakakapikon ka talaga pasalamat ka mahal kita!" Walang pigil kong sabi habang parang wala lang sa kanya. Sumilay ang tipid na ngiti sa labi niya at mabigat akong tinitigan.
"Salamat." Seryoso niyang sabi at pinagpatuloy lang ang pagkain. Para namang may tumusok sa dibdib ko. Nawala ang mga kulisap na naglalaro sa tiyan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I think that's it. Sa susunod ko na lang siguro siya kukulitin ulit. Tumayo ako at umambang aalis na. Wala siyang naging reaksyon ni hindi niya ko pinigilan kagaya ng dati.
I get it okay? I know he's mad and hurt. Kagagawan ko naman lahat that's why I shouldn't be feeling hurt like this. I get him at ang pinanggagalingan ng galit niya. Bumalik ako sa pool ngunit naupo na lamang ako. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano. Mababawi ko si Aidan. Babawiin ko siya.
"Ang seryoso mo naman." Napa-angat ako ng tingin kay Brixx na naka gray na t-shirt at isang board-short. Umupo siya sa tabi ko at ibinaba ang dala niyang juice.
"Hindi ka umuwi?" Tanong ko dahil akala ko'y ako lang ang natira dito.
"Obviously," natatawa niyang sabi at kumindat. Kuminang ang silver niyang hikaw sa kanang tainga niya. "So why are you so serious? Parang ang lalim ha." Pang-asar niya habang ngumiti lamang ako. Brixx and I are good friends. Hindi na siya bago sakin.
"Baliw. Nag iisip-isip lang."
"Care to share?" Ngumiti lang ako at umiling. Kung pwede ko lang sanang sabihin na puro si Aidan ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Living With The Pervert Brothers (ONGOING)
Teen FictionWhat will she do? If she'll be living with the pervert brothers? Can she survive? Can they survive? Another romance? or an endless war? Find out.. Cover made by: RoanLeeValdez